Subject: #64 Date: Tue, 23 May 2000 00:13:41 +0800 From: Super Perez <super@bayani.com> To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com> Kaibigan, Mabuhay! Susubukan ko nang maging kahit isang beses isang linggo ay mapadalhan kayo ng mga patawa at balita tungkol sa Bayani.com. Naubos ang panahon ko sa kalalakad ng mga papeles para sa Web Works Computers na Web Design and hosting company na aking binuo. Kung may kilala kayong nais magpagawa ng website, sulatan niyo naman ako o di kaya ay papuntahin sila sa http://1hunt.net. May pinadala sa akin na sulat na may lamang artikulo na ang pamagat ay "Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya." Napakaganda. Maaari po ninyon basahin ito sa http://bayani.com/kuta. Mga patawa... eto na. =============== Mga Dagdag sa Pinoy Signs: - In a CR in a school, a sign says "Pag-umabot ang ihi mo dito sa ibabaw ng linya, pwede kang maging bumbero." Padala ni: Rendex Death - BAY WASH along hi-way detour from Cubao to C-5 Padala ni: Ray Veloz - Robinson's Place men's CR: sign above the urinals says: "Pls. step up closer. It's much shorter than you think." Padala ni S.V. =============== Alagaan ang inyong mata. Magpatingin sa Perez optical (http://www.perezoptical.com). Hanapin sa site ang discount coupon. =============== PRIED TSIKEN Dalawang magkaibigan ang kasalukuyang kumakain ng pried tsiken sa Max Restaurant, naisip ng isa na tanungin ang kaniyang kaibigan... Pedro: Pre, ano ba ang magagawa mo sa isang buong pried tsiken na hindi ko kayang gawin sa iyo? Juan: ah Pre, putulin ang pakpak ng pried tsiken... Pedro: Pre, kaya kung gawin iyan sa iyo...kaya kung putulin ang mga kamay mo...hehehe! Juan: ah Pre, kainin ang mga hita ng pried tsiken... Pedro: (Nagmamalaki) Pre, wala iyan...kaya ko ring kainin ang mga hita mo...hehehehe! Juan: ah Pre, ito siguradong hindi mo magagawa sa akin....putulin ang katawan ng pried tsiken....di ba? Pedro: (Lalong nagmalaki) Pre, mas lalong walang kuwenta iyan... kayang-kaya kong putulin ang katawan mo... Juan: Sirit na nga Pre, halos lahat ay kaya mong gawin sa akin...ano pala ang hindi mo kayang gawin? Pedro: Pre, di ba kinakain mo at sinisipsip ang puwitan ng manok? Juan: Siyempre Pre, masarap ata iyon... Pedro: Iyon ang hindi ko kayang gawin sa iyo, "ANG SIPSIPIN ANG PUWET MO!"....pweeee! Padala ni Cubano99 =============== WebWorks Webhosting and Design. Affordable virtual servers with web-based control panel at http://1hunt.net =============== HINDI AKO ANG TATAY MO. Sa isang bayan na maliit, kilala mo ang lahat ng tao. Sa isang bayan, umuwi galing Manila ang anak ng Mayor na Buntis, walang asawa at natural escandalo ito at makakaapekto sa darating ng election. Ipinatawag ng Mayor ang Doctor ng Despensary. Mayor: Secreto ito Doctor, patay ka pag kumalat ito. Doctor: Naiintindihan ko po Mayor. Mayor: Buntis ang anak ko. Ayaw ko namang ipalaglag malas yon at kasalanan. Ano ang maitutulong mo? Doctor: Itago po ninyo siya sa bahay ninyo. Pag manganganak na po ay ilipat natin ng palihim sa Despensary at paaanakin ko sa opisina ko at ilalagay ko sa ibang pasyente na manganganak. Mayor: mabuting idea. ( Lumipas ang mga buwan manganganak na ang buntis ipinatawag ang Doctor at dinala ang Buntis sa Opisina ng Doctor at pinaanak ng walang nakakaalam, problema, walang pasyente kung hindi isang Pari na ooperahan ang appedesitis, inopera din ito ng Doctor ng gabing iyon at matapos ang operasyon ay inilagay nito ang batang bagong panganak sa tabi ng Pari, at ng magising ang Pari. Pari: Doctor, doctor, doctor...bakit may bata dito sa tabi ko? Dooctor: Aba iyan ang nakuha ko sa tiyan mo. Pari: Ano? Impossible naman yata iyan? Doctor: Pari po kayo kaya maniwala na kayo sa Milagro, bigay sa inyo ng Dios iyan. ( kaya kinupkop ng Pari ang bata at lumaki ito na tampulan ng biro ng lahat ng taga bayan na iyon, at ng malaki na ito at naratay sa karamdaman ang Pari ay ipinatawag ang bata upang kausapin bago man lang ito mamatay: Pari: Anak, may ipagtatapat ako sa iyo> Anak: Ano po iyon Itay? Pari: Gusto kong malaman mo na hindi ako ang Tatay mo. Anak: Yehey, sabi ko na nga ba hindi totoo na tatay ko kayo eh, matitigil na rin ang mga biro sa akin ng mga taga rito, eh Itay kung hindi ko po kayo Tatay, eh ano ko po kayo? Pari: Anak, ako ang Nanay mo. ( lalong nagulo, at ipinaliwanag ng Pari ang nangyari sa operasyon sa appendisitis at tinanggap naman ng Anak pero may isa pa itong tanong. Anak: Itay payag na ako na hindi kayo ang Tatay ko. Payag na rin ako na kayo ang Nanay ko. Sino naman ang Tatay ko? Pari: Ang OBISPO anak ang tatay mo. Padala ni Onnie =============== Gusto niyo mag-shopping? Magpunta sa http://1hunt.com o http://philshopping.com. =============== Ticket May tatlong accountant at tatlong engineer sa istasyon ng tren. Bumili ng tatlong ticket ang tatlong accountant. Bumili ng isang ticket ang tatlong engineer. Sumakay sila sa tren. Nagtataka ang mga accountant kung bakit isang ticket lang ang binili ng mga engineer samantalang tatlo silang pasahero. "Manood na lang kayo," sabi ng mga engineer. Pumasok sa banyo ang tatlong engineer. Nagsimulang mag-ikot ang kulektor para mangulekta ng ticket. Kumatok ito sa banyo na pinagtataguan ng mga engineer. "Ticket please," wika ng kulektor. Bahagyang bumukas ang pinto at lumabas ang isang braso na may hawak na tiket. Pagkaabot ng tiket ay tumalikod na ang kulektor. Nagka-ideya ang mga accountant. "Ganon din ang gawin natin sa ating pagbalik para makatipid tayo." Sa pabalik na byahe ay muling nagkasabay ang tatlong accoutant at tatlong engineer. Bumili ng isang ticket ang tatlong engineer. Hindi bumili ng ticket ang mga engineer. Sumakay sila sa tren. Nagtaka na naman ang mga accountant. "Ano naman kaya ang palabas nila at hindi sila bumili ng kahit isang ticket." Pumasok sa banyo ang tatlong accountant. Pumasok sa kabilang banyo ang tatlong engineer. Maya-maya ay lumabas ang isa sa mga engineer at kumatok sa pinto ng banyong pinagtataguan ng mga accountant. "Ticket please," wika ng engineer. Padala ng kaibigan nating ayaw magpakilala Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa __ ||__\ http://www.bayani.com || \\ ||__// Para magpalista, pumunta sa website ||__< o lumiham sa sulat@bayani.com || \\ ||__// Huwag sana tanggalin ito upang ||__/ makapagpalista rin ang ibang tao Inyong lingkod, Super Perez Tagapamahala http://www.bayani.com http://bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com http://bayani.com/kuta - mga kuwento, egroups at iba pa http://bayani.com/aklatan - Bilihan ng libro http://bayani.com/patawa - Patawang Pinoy http://bayani.com/card - Bayani.com Ecard http://philshopping.com/classifieds - Libreng Classified ads mailto:pinoyjokes-subscribe@egroups.com - mga medyo bastos na patawa mailto:bayani-subscribe@egroups.com - makilahok sa usapang bayan