Subject: Bayani.com Balita #58
Date: Wed, 23 Feb 2000 20:02:51 +0800
From: Super Perez <super@bayani.com>
To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com>

Kaibigan,

Mabuhay!
Inaanyayahan ko po kayong sumali sa egroups na aming hinanap para
sa inyo.  Magpadala lang ng blankong email sa address na katabi
ng gusto ninyong salihan.

Bayani Barkada : bayani-subscribe@egroups.com
Filipinos Egroup : filipinos-subscribe@egroups.com
Luzon Egroup : luzon-subscribe@egroups.com
Visayas Egroup : visayas-subscribe@egroups.com
Mindanao Egroup : mindanao-subscribe@egroups.com
Online Cavite Group : cavite-subscribe@egroups.com
Cebu Places E-Group : cebu-subscribe@egroups.com
Makati Gimmicks Group : makati-subscribe@egroups.com
QC Stuff E-Group : quezoncity-subscribe@egroups.com
Baguio E-Group : baguio-subscribe@egroups.com
Pasig hangouts E-Group : pasig-subscribe@egroups.com
Marikina News Egroup : marikina-subscribe@egroups.com
Cotabato News Egroup : cotabato-subscribe@egroups.com
Cubao News Egroup : cubao-subscribe@egroups.com
P'que places Egroup : paranaque-subscribe@egroups.com
Pasay News Egroup : pasay-subscribe@egroups.com
Tagaytay Sites Egroup : tagaytay-subscribe@egroups.com

Huwag pahuhuli sa balita!  Sali na!

===============Tula==================

Mga Huling Imik

Lamukusin ang papel
  at itago na ang panulat.
Pumasok sa silid,
  ipinid mo ang pintuan.

Pumikit.

Huminga ng malalim.

At saka umusal ng maikling panalangin.

Naghihintay na ang kawalan...

        AKDA NI:  MARIA CRISTINA FALLS

===============
Alagaan ang inyong mata.  Magpatingin sa Perez optical
(http://www.perezoptical.com).  Hanapin sa site ang discount
coupon.
===============

LOI: Regalo ko sa 'yo para sa ating anniversary, isang bagong
cellphone.
ERAP: Wow! Ang ganda!

Namamasyal si Erap sa Greenhills, biglang nag-ring ang cellphone:

LOI: Kamusta na Honey ang bago mong cellphone?
ERAP: Mahusay! Ayos lang ang liit niya at napakalinaw ng dating
ng boses! Kaya lang mayroon akong gustong malaman.
LOI: Ano yon?
ERAP: Pa'no mo nalamang nasa Greenhills ako? :D

   Galing kay Joselito Mancanes

===============
WebWorks Webhosting and Design.  Affordable virtual servers with
web-based control panel at http://1hunt.net
===============

Dinala ni mister ang kanyang misis na manganganak na sa isang
ospital sa maynila.

Pagsapit sa ospital, natutuwang ibinalita ng doktor na may
naimbento siyang aparato na maghahati ng sakit na mararamdaman ng
ina sa ama ng isisilang na sanggol.

Tinanong ng doktor kung papayag silang subukan ang aparato, at
pumayag ang mag-asawa.

Pinihit ng doktor ang knob sa 10, bagamat 10% lang daw ang
ibibigay na kirot sa ama ay di hamak na mas matindi raw ito
kumpara sa kahit anong sakit na naramdaman na ng sinumang lalaki
sa kanyang buhay.

Walang anumang naramdaman ang lalaki kaya sinabihan nya ang
doktor na pihitin pa ang knob.  Isinet ang knob sa 20, ngunit
maayos pa rin ang lalaki.  Tsineck ang kanyang pulso, presyon,
etc. at laking gulat ng doktor na okay nga ang lagay ng lalaki,
kaya isinet nya pa ang knob sa 50.

Wala pa ring sakit na nararamdaman ang lalaki, kaya inutusan niya
ang doktor na ibigay na sa kanya ang 100% ng sakit na
nararamdaman ng kanyang asawa.  Sa madaling sabi, nailuwal ang
bata na walang naramdamang kirot ang mag-asawa.  Laking tuwa
nila.

Pagbalik nila sa bahay, natunghayan nilang patay na ang kartero
at nakahandusay malapit sa kanilang tirahan.

        Padala ni Analyn Camanag

===============
Gusto niyo mag-shopping?  Magpunta sa http://1hunt.com o
http://philshopping.com.
===============

Pasyente

Ine-examin nung Doktor yung isang pasyente sa Mental Hospital sa
pamamagitan ng tanong at sagot.

Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital,
ano ang iyong unang gagawin?"

Sagot nung pasyente, "Titiradorin ko po ang buwan!"

Wika nung Doktor, "Ikaw ay hindi pa pwedeng palabasin. E-examinin
ulit kita sa paglipas ng anim na buwan."

Pagkaraan ng anim na buwan, muling inexamin nung Doktor yung
pasyente.
Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital,
ano ang
iyong gagawin?"

Sagot ng pasyente. "Doktor, ako'y magaling na. Pagkalabas ko po
sa ospital, ako po ay hahanap ng trabaho upang mamuhay ng
mag-isa."

Muling nagtanong ang Doktor, "Pagnakahanap ka ng trabaho, ano ang
iyong gagawin?"

Sagot ng pasyente, "Doktor, ako po ay manliligaw ng isang mabait,
masipag at magandang babaeng pwede kong makakapiling na pang
habang buhay."

Gulat ang Doktor! Mukhang matino na ang kaniyang pasyente! Muli
pang
nagtanong ang Doktor, "Pagkatapos niyong makasal, ano ang iyong
gagawin?"

Sagot ng pasyente, "Aba, Doktor, kami po ay mag-hahanimun!"

Bilib na naman ang Doktor.

Tanong ulit ng Doktor, "Ano ang iyong gagawin sa inyong hanimun?"

Sagot ng pasyente, "Doktor, huhubarin ko po ang blusa at palda ng
aking
bagong asawa."

"Pagkatapos..." tanong ng Doktor.

"Pagkatapos..." sabi ng pasyente, "huhubarin ko ang kaniyang bra
at
panty".

"Pagkatapos..." tanong ng Doktor.

"Pagkatapos..." sabi ng pasyente, "kukunin ko lahat ng lastiko sa
bra
at panty at titiradorin ko ang buwan!"

   Padala ni Ariel Morales
   Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa

  __
||__\   http://www.bayani.com
||  \\
||__//  Para magpalista, pumunta sa website
||__<     o lumiham sa sulat@bayani.com
||  \\
||__//  Huwag sana tanggalin ito upang
||__/     makapagpalista rin ang ibang tao

                      Inyong lingkod,
                      Super Perez
                      Tagapamahala
                      http://www.bayani.com

http://bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://bayani.com/kuta - mga kuwento, egroups at iba pa
http://bayani.com/aklatan - Bilihan ng libro
http://bayani.com/patawa - Patawang Pinoy
http://bayani.com/card - Bayani.com Ecard
http://philshopping.com - mga bilihing sariling atin
http://philshopping.com/classifieds - Libreng Classified ads
http://1hunt.com - The first place to look
mailto:pinoyjokes-subscribe@egroups.com - mga medyo bastos na
patawa
mailto:bayani-subscribe@egroups.com - makilahok sa usapang bayan
mailto:sulat@bayani.com - para sumali, magpadala ng email ng
kaibigan upang imbitahan namin o magpatanggal sa listahan

------------------------------------------------------------------------
@Backup-The Easiest Way to Protect and Access your files.
Automatic backups and off-site storage of your critical data.  Install
your FREE trial today and have a chance to WIN a digital camera!
Click here.
http://click.egroups.com/1/1830/3/_/20606/_/951307583/

-- Talk to your group with your own voice!
-- http://www.egroups.com/VoiceChatPage?listName=bayanibalita&m=1