Subject: #57
Date: Fri, 18 Feb 2000 01:57:53 +0800
From: Super Perez <super@bayani.com>
To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com>

Kaibigan,

Mabuhay!
May isinulat po sa akin matapos mailabas ang nakaraang Bayani
Balita.  Tungkol po ito sa medyo malaswang patawa na naisama.
Tama po siya. Dapat po ay sa Pinoyjokes na medyo bastos ko po
naisali iyon.
Paumanhin po sa lahat!

Maraming mga midi na sound background ang nadagdag sa Bayani.com
E-card (http://bayani.com/card).  Madadagdagan din ang mga
litrato.

May ilang patawa na medyo bastos.  Ipapadala ko pagkatapos ng
ilang araw.  Kung nais ninyong matanggap ito, magpadala lang ng
email sa  pinoyjokes-subscribe@egroups.com.

===============
GALING TEXT

Nagpunta sina erap at ang kanyang mga kaibigan sa ermita.
Nakakita sila ng beerhouse kaya pumarada sila at lumapit.  Nang
papasok na sila biglang tumalikod si Erap at sinabi, "Tara na
hindi tayo puwede dito.  Nakalagay sa karatula 18 and above only
e sasampu lang tayo."

        Tita Langga

+++

In a coffee shop:
Erap: 1 coffee please
Waiter: Decaf, sir?
Erap: Of course!  Debaso is too big and too much for me!

        Pam E.

+++

What part of a man has the biggest muscle, have lots of veins,
always pumping and responsible for making love? E di Heart!  Ano
ba ang iniisip mo?

        Pam E.

+++

At a restaurant:
        WTR: What's your order, sir?
        Customer: I'll have swiss steak and French fries.
        WTR: And you sir?
        ERAP: Seym also, Sweepstake and first prize.

        Mike SL

===============
Alagaan ang inyong mata.  Magpatingin sa Perez optical
(http://www.perezoptical.com).  Hanapin sa site ang discount
coupon.
===============

Loro
-=-=-

Tuwang-tuwa at parating pinagmamalaki nung Monsignor yung
kaniyang
alagang loro.

Wika nung Monsignor, "Itong aking loro ay hindi lang
napakagaling magsalita kundi napakabanal pa! Kapag aking hinigit
yung
kadena sa kaniyang kaliwang paa, siya'y magsasalita ng buong
dasal ng
Ama Namin. Kapag akin namang hinigit yung kadena sa kaniyang
kanang
paa, siya'y magsasalita ng buong dasal ng Aba Ginoong Maria."

Tanong nung isang aleng nakikinig, "Monsignor, kung sabay mong
hatakin
yung kadena sa kaniyang magkabilang paa, ano ang kaniyang
isasalita?"

Sagot nung Monsignor, "Sapagkat hindi ko pa naisipang gawin yang
itinatanong mo, purbahan natin ngayon!" at sabay na hinatak nung
Monsignor ang kadena sa magkabilang paa nung loro.

Biglang nagsalita yung loro... "Tangna naman, Padre, mahuhulog
ako diyan
sa ginagawa mo 'yan, eh!"

Padala ni Ariel Morales

===============
WebWorks Webhosting and Design.  Affordable virtual servers with
web-based control panel at http://1hunt.net
===============

Translate please
-=-=-=-=-=-=-=-=-

A judicial clerk in a small and far-flung provincial court had to
translate, from Tagalog to English, the following passage uttered
by a
witness:

"Pagkatapos ng kung ano-ano ay nagdatingan ang kung sino-sino!"

Confidently and simply, the clerk wrote:

"After the what-what came the who-who!"

 Padala ni Ariel Morales

===============
Gusto niyo mag-shopping?  Magpunta sa http://1hunt.com o
http://philshopping.com.
===============

(Natatawa ako dito dahil may kilala akong tao na kapangalan niya
- s)

Armando
-=-=-=-

Bagong salta sa Manhattan sa New York si Armando galing sa isang
maliit
na barrio sa Pilipinas. Manghang mangha si Armando sa laki at
ganda at
sa dami ng modernong mga kagamitan sa Amerika.

Isang araw, naisipan ni Armando na magpadala ng pera sa kaniyang
kapatid sa probinsiya kaya't nagpunta siya sa PNB sa Manhattan.
"Wow!"
'ika ni Armando ng makita niya yung "lobby" ng "building" kung
nasaan
ang PNB. "Napakaganda at modernong moderno ang 'building' na
ito," sabi
ni Armando sa sarili niya.

Nakipila si Armando sa mga sasakay sa "elevator" at nung bumukas
ang pinto, sumama si Armando sa mga nagsipasok. Hinahanap ni
Armando sa mga "buttons" sa "elevator" upang pindutin ang 8th
Floor na papunta sa PNB. Nung makita niya yung "button" na
nakalagdang "8", hindi niya napansin na isa sa mga sumakay na
kasama niya ang nakapindot na ng button na "8".
Biglang umilaw ang button na "8" habang tinitingnan niya. "Wow!,
" sa
loob loobin ni Armando, "talaga namang napakagaling dito sa
Amerika.
Iniisip mo pa lang na pindutin yung button, e, umilaw na agad!

Tapos, nagsasalita pa yung elevator kung nasaang floor siya!. Iba
talaga
dito sa Amerika!"

Nakapagpadala na ng kaniyang remittance si Armando at nakasakay
na siya
sa isang MetroBus na pauwi sa kanila. Napansin ni Armando na may
lumalabas na usok sa napakaraming mga "manholes" at mga "drainage
holes" sa mga kalsada ng Manhattan. Wika ni Armando sa sarili
niya,
"Napakagaling talaga dito sa Amerika. Akalain mo, pati sa ilalim
ng
kalsada ay nakakapagsiga sila!"

Napansin rin ni Armando na tuwing humihinto yung kaniyang
MetroBus, may
binibigkas na mga pangalan ang "driver" ng MetroBus. Lumakad ang
Bus,
tapos huminto. Malakas na sumigaw 'yung driver, "ROOSEVELT!".
Apat na
pasahero ang nagtindigan, pumunta sa likod ng Bus at pagkahinto
ng Bus
ay lumisan. Lumakad na naman yung Bus, tapos huminto ulit.
Malakas na
namang sumigaw yung "driver", "KENNEDY!". Walong pasahero ang
nagtindigan, pumunta sa likod ng Bus at pagkahinto ng Bus ay
lumisan.
Lumakad na naman yung Bus, tapos huminto ulit. Malakas na namang
sumigaw yung "driver", "GRANT!". Isang pasahero ang tumindig,
pumunta sa likod ng Bus at pagkahinto ng Bus ay lumisan. Tuloy
ang biyahe ng Bus ni Armando na parehong ganoong ganoon ang
nagaganap.

Wika ni Armando sa sarili niya, "Napakagaling talaga dito sa
Amerika.
Hindi lang alam ng driver ng bus kung saan ang mga tao nakatira,
alam
pati niya ang mga pangalan ng mga pasahero niya!"

Tuloy na naman ang biyahe ng Bus ni Armando at pareho pa ring
ganoon ang nagaganap.

Pagkaraan ng isang oras, napansin ni Armando, na wala ng ibang
pasahero
sa Bus kundi ang sarili niya. Napansin rin niya na palapit na ang
kaniyang "bus stop" ngunit mabilis pa ang takbo ng bus niya at
hindi pa
natatawag ang pangalan niya.

Nagmadaling lumapit si Armando sa "bus driver". Lumingon yung
"bus
driver" nung katabi na niya si Armando. Biglang sumigaw yung "bus
driver", "Please step behind the white line! Whaddya want?"

Sagot ni Armando, "Sir, SANTOS, sir!"

   Padala ni Ariel Morales
   Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa

  __
||__\   http://www.bayani.com
||  \\
||__//  Para magpalista, pumunta sa website
||__<     o lumiham sa sulat@bayani.com
||  \\
||__//  Huwag sana tanggalin ito upang
||__/     makapagpalista rin ang ibang tao

                      Inyong lingkod,
                      Super Perez
                      Tagapamahala
                      http://www.bayani.com

http://bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://bayani.com/kuta - mga kuwento, egroups at iba pa
http://bayani.com/aklatan - Bilihan ng libro
http://bayani.com/patawa - Patawang Pinoy
http://bayani.com/card - Bayani.com Ecard
http://philshopping.com - mga bilihing sariling atin
http://philshopping.com/classifieds - Libreng Classified ads
http://1hunt.com - The first place to look
mailto:pinoyjokes-subscribe@egroups.com - mga medyo bastos na
patawa
mailto:bayani-subscribe@egroups.com - makilahok sa usapang bayan
mailto:sulat@bayani.com - para sumali, magpadala ng email ng
kaibigan
upang imbitahan namin o magpatanggal sa listahan