Subject: Bayani.com Balita #56
Date: Sun, 13 Feb 2000 17:35:50 +0800
From: Super Perez <super@bayani.com>
To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com>

Kaibigan,

Mabuhay!

Sa lunes, araw na ng puso.  Hindi ako makakalabas kasama ng
aking kasintahan dahil kailangan mag-aral.  May pagsusulit
ako ngayong linggo at sa susunod na linggo.  Sana maghari
ang pagmamahal na totoo at busilak sa araw na ito at hindi
ang ibang bagay.

Bukas na po ang Bayanihan na Bulletin Board sa Bayani.com.
Sa pamamagitan nito, makakapagpalitan po tayo ng impormasyon
tungkol sa mga nangangailangan ng tulong at makakapagbigay
rin tayo ng tulong.  Sana bisitahin ninyo.

Happy Valentines po sa lahat!  Kung wala kayong gagawin sa
Valentines day, kita tayo sa #kanto chatroom alas 9 ng gabi
hanggang alas 10 sa araw ng puso sa lunes.

===============
(Pabala: Medyo bastos - s)

Ang Tindi ng Paghihiganti

Isang gabi, naglalakad ang isang lalaki sa may tulay nang
may makita siyang babaeng nasa taas ng gilid nito at
magtatangkang magpatiwakal.

"Huwag," sigaw ng lalaki. At sa kabutihang palad ay
nakumbinsi ang babae at siya'y bumaba.

Lalaki: Ano bang problema mo't naiisipan mong gawin yan

Babae: Kasi, iniwan ako ng boypren ko't sumama sa ibang
babae.

Lalaki: Miss, ganyan din ang problema ko pero di ko inisip
na magpakamatay.

Babae: So, anong gagawin natin?

Nag-isip sandali ang lalaki at sinabi...

Lalaki: Kung gusto mo, maghiganti tayo sa kanila.

Babae: Paanong paghihiganti?

Lalaki: Alam mo na ang ibig kong sabihin...
(sabay kindat sa babae na nakuha naman ni babae ang parinig
na yon)

Maya maya'y nasa isang kuwarto na sila ng motel at nangyari
na nga ang 'di dapat mangyari....

Nang  makaraos si lalaki, nagsindi siya ng yosi.
Nang halos filter na lang ay biglang nagsabi si babae:

Babae: Maghiganti uli tayo.

Medyo pagod, pero pinagbigyan uli niya ang request ni
babae.

Nang makaraos uli, nagsindi uli si lalaki ng yosi.

Nasa kalahati pa lang ang yosi nang:

Babae: Maghiganti uli tayo.

Medyo nangangatog na ang mga tuhod pero dahil sa hilig,
muling pinagbigyan niya si babae. Muling nakaraos ang
dalawa.

Nagsindi uli si lalaki ng yosi. Unang hitit pa lang niya ay:

Babae: Ganti uli tayo.

Talagang lupaypay na si manoy niya pero para huwag mapahiya
ay muling pinagbigyan niya ang kahilingan ng babae.

Pagkatapos kumuha siya ng yosi. Sisindihan palang nang
biglang:

Babae: Ganti uli tayo.

Lalaki: (Pagod na) Tang..., patawarin na natin sila!!!!

   Padala ni Melodramatic Fool

===============
Alagaan ang inyong mata.  Magpatingin sa Perez optical
(http://www.perezoptical.com).  Hanapin sa site ang discount
coupon.
===============

SENTIMYENTO SA PEBRERO: 'ALA AKONG DATE.

Hay Pebrero na naman! Fresh blooms will soon line up the
streets and red will be the theme color of every store
you'll pass by. Kahit pa yung tulak-tulak na fishball stand
ni Manang sa Rada may heart na, may nakatusok pang stick sa
gitna, aray. may sauce pa, nilalangaw na
Manang!

Dreaded na naman ang second week ng Feb. Kahit san ako
lumingon may ka-partner ang sangkatauhan. Kung makatingin pa
sila eh para bang isinumpa ka't dapat pandirihan dahil
nag-iisa ka...alang ka holding hands and ka swing-swing the
arms while walking. Kulang na lang ay makipag-plastikan
ako't lokohin ang sarili kong bumili ng roses para sa ken at
ibalandra habang naglalakad sa Ayala sabay ngiti up to the
ears.
Para lang masabi na "uy, may flowers na sya, how sweet naman
ng Papa nya!"

Gusto ko na ngang umabsent ng opisina a-diyes pa lang.
Siguradong ang million-dollar question na naman nyan sa
reception sa office pagdating mo sa umaga eh "san ang date
nyo sa valentine's?" Ewan ko ba't tila napaka-sagrado ng
tanong na yan na kapag negatibo ang sagot mo as in "ala
akong date" eh pandidilatan ka ng mata with mouth hanging
open ng mga meron.

Kung swe-swertehin ka ay tatapikin ka lang nila at
sasabihing "darating din yan p're." Kung mamalasin ka nga
naman eh hindi ba't tila nag-enroll ng isang semester sa UST
seminary ang mga loko at mga frustrated na pari at madre
siguro...sesermonan ako ng iba; "p're wala pa?" o kaya "ano
ba kasi ang tagal mo namang magka-boyfriend, nakaka-apat na
ko ah!" (pinapabilang ko?!) o "lungkot naman" (aray ko)
"kelan ka ba? Eh anong gagawin mo sa Valentine's?"
(mag-lalaba ng rubber shoes ko). "ano ba kasing hanap mo sa
lalaki, baka napakapihikan mo?" (Teka nga kelan ba naging
parang isang trabaho ang mga lalaki at dapat hanapin,
habul-habulin, follow-up, may interview at exam)

Yung iba naman good samaritan, hihirit ng "gusto mo ihanap
kita? I-set-up kita sa kaibigan ng kapatid ng hipag ng
pinsan ng pamangkin ko..." o kaya "dun sa bestfriend ng
girlfriend ng ex-boyfriend ng ate ng
barkada ng inaanak ng Tita ng boyfriend ng kapatid ng bayaw
ko..."

Ala akong magawa kundi mapatitig. Anak naman ng sampung
kabayong pumuputak na ipinaglihi sa alagang kalapati ni
Tarzan na nakatira sa
ikapitong bundok ng Cotabato na pinag shootingan ng pelikula
ni Pocahontas o!!!

I have absolutely nothing against blind dates except for one
undeniably strong personal reason...it's not my stuff. I
don't go for that thing. In short, a-y-o-k-o. Okey lang yun
actually eh, exciting nga, pero a-y-o-k-o. I'm not
comfortable with the idea of sitting down with a smart ass,
sophisticated yuppy, wearing a long-sleeve signature polo
holding an P18,000 worth cellphone from Finland in front of
me, making tete-a-tete over a cup of steaming Starbucks
coffee, puffing prettily
knowing fully well that both of you should make an effort to
like each other. Or have the other like you, magpa-cute at
magpa-impress or just be yourself and do your best to make a
go at it. Because the one who set you up is expecting to
hear a nice story about it in the morning.at kung hindi.
baka I-set up ka na naman sa kung sinong Tasyo na kilala ni
Tasya
na gwapo daw sabi ni Tasye...ah ewan!

Mas gusto ko ata yung accidental meeting or so-natural thing
na both of you are just talking, walang pressure. Kasi mas
natural na ako ang lumalabas. Ngayon kung ka-hypocritan ang
papairalin ko and wouldn't want pity slapped on my face,
sasabihin ko na lang na may date kahit wala, pipilitin na
lang na makipagdate at tanggapin ang yaya ng isang
manliligaw na di ko naman gusto talaga. Ang pangit naman
non, unfair don sa guy, wawa naman sya. Ngayon kung di ako
nahihiya, downright sasabihin ko plainly and clearly without
blinking my eyes "wala akong date dahil wala akong ka-date."

Sa Valentine's ayoko sanang lumabas ng bahay. Kahit masaya
ako by being single and available by choice, malulungkot din
ako, kahit magpa-strong and unaffected effect kuno ako.
Minsan may urge talaga na. alam mo yon, sometimes it gets
really lonely. Naturingang araw ng mga puso pero hanggang
ngayon kalahati pa rin ang akin...alang ka-partner. wawa
naman. Laging muntik-muntikan sasagutin ko na sana kaso
something not right comes up, may girlfriend na pala, in
love pala sya sa bestfriend nya, may hang-up pa sa ex nya,
atheist pala, ex-man, mas bata sa ken, at kung anu-ano pa.

Sarap sanang may ka-embrace sa ilalim ng puno sa UP o kaya
sa Intramuros Walls overlooking the distant anchored ships
in Manila Bay.

Sarap sana yung somebody would listen about my uneventful
day. I want to hold his hands and snuggle close to his chest
when a love song plays in the FX's stereo. I want to carry a
small umbrella during rainy days para
siksikan kami...mas close, sarap sana. I have memorized all
the sweet and "oh gosh how heart-melting" lines of romantic
movies I've seen. I want to say it to him even if I don't
have to stand in the balcony looking down at him while the
moon lights our spot.

Sarap sanang mag check-in sa air conditioned room sa
Shangri-La, dimly lit lang tapos senting kanta sa
background.  Nakakumot kayo pareho kasi malamig, e-embrace
lang kayo, sweet-nothings, walang sex ha!

Sarap sanang ma-surprise sa valentine's day, may magbibigay
sa yo ng love letter or flowers.

Sarap sanang may ma-babatuk-batukan, aasarin, aawayin kung
trip,  pagseselosin minsan, kurut-kurutin, tatadyakan, at
papaamuyin ng medyas.

Yun bang lalaking hinde maarte na matilamsikan lang ng putik
ang kotse eh parang sinukluban na ng palda ng isang bading
at minimura na ang
buong earth!

Yung lalaking hinde mandidiring maglakad sa putik at
mag-inarteng lumakad mula yala Ayala hanggang Galleria kung
walang masakyan.

One who knows how to sit still and be quiet. Bottom line
nyan, sarap sanang makasama ang lalaking really meant for
you, as in sya yung
nawawala mong kalahati. Suited talaga kayo from the nicest
to the worst na trip nyo sa buhay, (ultimo ang pagpahid ng
kulangot sa gilid ng keyboard).

Kaso ayan wag daw piliting ma-in love eh. Kung hinde, hinde
talaga, wag ipilit just for the sake of falling in love
kahit fake. Eh di wag, sabi ng mabait kung bestfriend wag
daw eh. Tsaka I'm pining for a lost love, hoping na magkita
kami uli. Kung sakali man, di pa sya nagtatanong, sinasagot
ko na sya! To hell with Maria Clara.

After valentine's day, ayoko pa ring pumasok. Maririnig ko
lang ang mga chikahan nila about their dates. Paka-pathetic
siguro ng dating ko sa inyo...pero sorry ka na lang eto ang
sentimyento ko...wag mong pakialaman.

This is a free country. Hindi ako bitter, freedom of
expression to (lumulusot ata ako!!) Haay, asan na ba kasi
ang Romeo ko.

Where art thou oh Romeo, my Romeo? (baka nalaglagan ng
eroplano? Naipit ng barko?) Asan ka ba Romeo? Nag-te-Tekken
na naman siguro sa kanto. tsk-tsk-tsk.

  Padala ni Melodramatic Fool, hindi alam kung sino nagsulat

===============
WebWorks Webhosting and Design.  Affordable virtual servers
with web-based control panel at http://1hunt.net
===============

Kumander Bertulfo
   -=-=-=-=-

Napaligiran ng 2 fighter-bomber, 5 tanke, 9 na kanyon at 35
machine guns at 200 mga sundalong naka-Armalite ang isang
bahay kubo sa liblib ng isang baryo sa probinsiya. Sa
loudspeaker, isinigaw ng Koronel ng mga sundalo, "Kumander
Bertulfo, sumuko ka na! Hindi ka makakawala!"

Buhat sa loob ng bahay kubo, isang matapang na sagot, "Hindi
ako susuko!"

Inulit ng Koronel, "Sumuko ka na, Kumander Bertulfo, at kung
hindi, ay
bobombahin at kakanyunin at mamasinganin at babarilin ka
namin."

Buhat sa loob ng bahay kubo, isang lalong matapang na sagot,
"Hindi ako susuko!"

Muling inulit ng Koronel, "Huling pagkakataon mong sumuko,
Kumander Bertulfo, kundi ay bobombahin at kakanyunin at
mamasinganin at babarilin ka namin."  Muli, buhat sa loob ng
bahay kubo, isang pinakamatapang na sagot, "Hindi ako
susuko!"

Sigaw nung Koronel sa kaniyang mga sundalo, "PIRE!"

Nagsimulang mag-strafe yung dalawang fighter-bombers,
nagpapaputok ang 5 tanke at 9 na kanyon, sabay-sabay
nagputukan ang 35 machine guns at ang mga Armalite ng 200
sundalo hanggang naubos ang kanilang mga bomba at bala.

Nang mahawi ang napakakapal na usok, nakita ng lahat na
halos walang natira sa bahay-kubo. Nang lapitan ng Koronel
ang naghihingalong sugatin sa gutay-gutay na bahay kubo,
kaniyang itinanong, "Alam mo namang wala kang kalaban-laban
at napakarami naming armas. Bakit ayaw mong sumuko?"
Patawa-tawang sumagot ang naghihingalong sugatan, "Hindi
naman ako si Bertulfo, eh..."

   Padala ni Ariel Morales

===============
Gusto niyo mag-shopping?  Magpunta sa http://1hunt.com o
http://philshopping.com.
===============

Kwentong macho
   -=-=-=-

Nagkukwento yung isang kaibigan kong "machong macho"...

Noong inutusan ako ng Misis ko na maglaba na raw ako,
sinigawan ko siya
"Hindi ako maglalaba!".

Pagkatapos ng ilang minuto ay inutusan ulit ako'ng maglaba.

Galit akong sinigawan ko ulit siya "Sabi na sa 'yong hindi
ako maglalaba! Ang kulit kulit mo naman!"

Tinanong tuloy noong Misis... "E bakit ba ayaw mo'ng
maglaba?"

Sagot noong macho kong kaibigan: "Eh, hindi pa ako tapos ng
aking pagpaplantsa!"

   Padala ni Ariel Morales
   Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa

  __
||__\   http://www.bayani.com
||  \\
||__//  Para magpalista, pumunta sa website
||__<     o lumiham sa sulat@bayani.com
||  \\
||__//  Huwag sana tanggalin ito upang
||__/     makapagpalista rin ang ibang tao

                      Inyong lingkod,
                      Super Perez
                      Tagapamahala
                      http://www.bayani.com

http://bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://bayani.com/kuta - mga kuwento, egroups at iba pa
http://bayani.com/aklatan - Bilihan ng libro
http://bayani.com/patawa - Patawang Pinoy
http://bayani.com/card - Bayani.com Ecard
http://philshopping.com - mga bilihing sariling atin
http://philshopping.com/classifieds - Libreng Classified ads
http://1hunt.com - The first place to look
mailto:pinoyjokes-subscribe@egroups.com - para sa mga medyo
bastos na patawa
mailto:bayani-subscribe@egroups.com - para makilahok sa
usapang bayan
mailto:sulat@bayani.com - para sumali o magpadala ng email
ng kaibigan para imbitahan namin o magpatanggal sa listahan

------------------------------------------------------------------------
eGroups eLerts!
It’s easy. It’s fun. Best of all, it’s free.
http://click.egroups.com/1/1231/3/_/20606/_/950434662/

-- Easily schedule meetings and events using the group calendar!
-- http://www.egroups.com/cal?listname=bayanibalita&m=1