Subject: Bayani.com Balita #49 Huling Balita ng Milenyo Date: Fri, 31 Dec 1999 21:55:14 +0800 From: Super Perez <super@bayani.com> To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com> Kaibigan, Mabuhay! Eto na ang Y2K. Alas Nuwebe y medya na po. Minamadali ko na lang po ang balitang ito bago ako magsimula magpaputok. Kung matagal ang dating ng susunod (ang unang Bayani Balita sa Bagong Milenyo), e baka po nahihirapan lang ako magmakinilya na paa ang gamit o di kaya ay dumating na ang asteroid at sa Pilipinas bumagsak. Hay nako, nahahawa na ako sa kapraningan ng aking Tatay. Basta, magaling si Kuya Jess at hindi niya tayo pababayaan. Yung mga bumili ng grocery at hardware store dahil sa panic buying ay masuwerte dahil may negosyo na sila pag-dating ng bagong milenyo. Discount na lang sa Sari-sari store ninyo ha. Yung mga nag-iisip ng New Year Resolution, mag-isip kayong mabuti. Hindi lang pang isang taon yan, isang milenyo niyo pagsisikapan yan. Yung mga nasa Fort o Ayala, dahan-dahan lang ang pagtalon. Baka magkalindol sa katatalon niyo. O sige na, patawa na. Pahabol: Yung mga nasa ibang bansa, hindi niyo ba namimiss ang mga paputok pag bagong taon? Kung sabagay, mahirap rin matulog na tumitililing ang tenga at itim ang butas ng ilong. Pagpalain sana kayo ng Diyos sa Bagong Milenyo. =============== Lalaki or babae Sapagkat galit na galit 'yung ama sa kabaklaan ng kaniyang kaisaisang anak na lalaki, nagbakasakali yung ama na kapag kaniyang pinarusahan ang kaniyang anak, ay malunasan at mawala ang kabaklaan ng kaniyang anak. Ama: Magtapatan na nga tayo! Ano ka ba talaga... lalaki o babae? Anak: Babwae po... Ama: Hindi! Ikaw ay lalaki! Tandaan mo ito: Ikaw ay lalaki! Ngayon, ano ka ba talaga... lalaki o babae? Anak: Nakwu, Tatay... talagwang talagwa... Babwae po... Ama: Ako'y talagang galit na galit na! Kapag hindi ka pa sumagot ng tama, e, parurusahan na kita! Ngayon, ano ka ba talaga... lalaki o babae? Anak: Kwahit na parusahwan niyo pwo ako, talaga pwong babwae po ako... Sa lubos na galit ng ama, dinala niya ang kaniyang anak sa kanilang balon. Tinali ng mahigpit ang mga kamay at paa para hindi makagalaw at ihinulog ang kaniyang nakataling anak sa loob ng kanilang balon. Nagkikisay na lumubog sa tubig ang anak. Pagkaraan ng ilang sandali, halos hindi na kumikilos ang nakalubog na anak, inahon ng ama ang kaniyang anak na basang basa at abot-abot ang paghahabol ng kaniyang paghinga. Ama: Ngayon, siguro naman natuto ka na! Ngayon, ano ka ba talaga.. lalaki o babae? Anak: Ngwayon pwo, alam kwo na kwung anwo talagwa akwo, Tatay! Akwo pwo ay isang... SIRENA... Padala ni Ariel Morales =============== Alagaan ang inyong mata. Magpatingin sa Perez optical (http://www.perezoptical.com). Mag-email sa info@perezoptical.com o magpunta sa http://perezoptical.com/discount.htm para sa discount coupon. =============== Lifesaver Nagbabakasyon sa isang "cruise ship" yung isang pamilyang banyaga. Sa kalikutan nung isang kasama nilang bata ay nahulog siya sa tubig. Balisang-balisa ang ina at walang ibang magawa kundi sumigaw ng paulit-ulit - "Please help my child! He fell overboard! Someone... Anyone... Please help my child!". Lumipas ang ilang sandali - wala pa ring kahit na sinong nagtangkang sumagip sa bata. Bigla na lang, buhat sa isang mataas na purok nung "cruise ship", isang Filipino crewman ang nakitang naka "swan dive" papunta sa malalim na tubig. Sa taas ng kaniyang pinanggalingan, mahigit na ilang sandali ang lumipas bago lumusong sa tubig yung "Filipino crewman". Ilang sandali muli ang lumipas bago nakita ng lahat na pumangibabaw sa tubig ang ulo ng "Filipino crewman". Palakpakan ang lahat na nakatingin. Lumangoy ang "Filipino crewman" at pinuntahan at sinagip ang nagpupumiglas na bata. Maatikabong palakpakan mula sa lahat ng nanunuod. Sa madaling sabi, naibalik ang nasagip na bata at ang ating magiting na "Filipino crewman" sa "cruise ship" at madaling naharap sa isang reporter ng 6:00 news sa isang "live interview". Ipinahayag nung reporter: "You are a true hero - having saved the life of another human being. Is there anything you wish to say to the thousands currently viewing the news?" Sagot nung "Filipino crewman": "Putragis na mga yun! Papatayin ko silang lahat pag nalaman ko kung sino yung mga tumulak sa akin!" Galing kay Ariel Morales =============== WebWorks Webhosting and Design. Affordable virtual servers with web-based control panel at http://i.am/webhosting =============== [ Pasensiya na kung medyo bastos. Ngayon lang. - super ] Namatay ang mister ni Petra. Pina-cremate niya ito at inuwi ang abo sa bahay. Binuhos niya ang abo sa mesa at marahan n'yang kinausap ang abo ng kanyang asawa. Habang hinihipo ng kanyang mga daliri ang abo "Natatandaan mo pa ba Kulas ang pinangako mo sa akin na diamanteng sing-sing at hikaw. Dahil natanggap ko na ang inurance mo, binili ko na yon. Tapos yung pinangako mo sa 'king kotse, binili ko na rin! Ikaw, natatandaan mo pa ba ang ipinangako ko sa iyong Blow-job? Puwes, heto na.....!!! ++++++++++++++++ Acronyms You probably know what I.T.A.L.Y and J.A.P.A.N means but did you know what C.Z.E.C.H.O.S.L.O.V.A.K.I.A. stands for? Hindi ko rin alam! But here's a bunch of 'L.O.V.E.' letters to add to your arsenal of 'baduy' phrases! Enjoy! INTERNATIONAL: H.O.L.L.A.N.D. - Hope Our Love Lasts And Never Dies. I.T.A.L.Y. - I Trust And Love You. L.I.B.Y.A. - Love Is Beautiful; You Also. F.R.A.N.C.E. - Friendships Remain And Never Can End. C.H.I.N.A. - Come Here.. I Need Affection. B.U.R.M.A. - Between Us, Remember Me Always. N.E.P.A.L. - Never Ever Part As Lovers. I.N.D.I.A. - I Nearly Died In Adoration. K.E.N.Y.A. - Keep Everything Nice, Yet Arousing. C.A.N.A.D.A. - Cute And Naughty Action that Developed into Attraction K.O.R.E.A. - Keep Optimistic Regardless of Every Adversity. E.G.Y.P.T. - Everything's Great, You Pretty Thing! R.U.S.S.I.A. - Romance Under the Sky & Stars is Intimate Always. P.E.R.U. - Porget Everyone... Remember Us. Y.E.M.E.N. - 'Yugyugan Every Morning, Every Night DOMESTIC: M.A.N.I.L.A. - May All Nights Inspire Love Always. B.A.L.I.W.A.G. - Beauty And Love I Will Always Give. M.A.L.A.B.O.N. - May A Lasting Affair Be Ours Now. I.M.U.S. - I Miss U, Sweetheart. P.A.S.I.G. - Please Always Say I'm Gorgeous. C.E.B.U. - Change Everything... But Us. P.A.R.A.N.A.Q.U.E. - Please Always Remain Adorable, Nice And Quiet Under Ecstacy. T.O.N.D.O. - Tonight's Our Night, Dearest One. P.A.S.A.Y. - Pretty And Sexy Are You. M.A.R.L.B.O.R.O. - Men Always Remember Love Because Of Romance only. Y.A.M.A.H.A. - You Are My Angel! Happy Anniversary! (for the bisayas only)HiTaChi - HImantayon, TAbi-an, CHIsmosa And my favorite acronym so far: P.H.I.L.I.P.P.I.N.E.S. - Pumping Hot.. I Love It! Please,Please... I Need Erotic Stimulation! Galing kay Joselito Mancanes ========================= Nasa Amerika Na Napansin nung Tiyo na yung kaniyang pamangkin na bagong salta sa America ay umiiyak sa tabi ng kaniyang nakatumbang bisikleta sa tabing daan. Tanong tuloy nung Tiyo, "Hijo, bakit ka umiiyak?" Sagot nung pamangkin, "Angkol, Angkol..." Madaling kinorek nung Tiyo yung kaniyang pamangkin, "Hijo, ikaw ay nasa America na. Hindi Angkol... Angkel!" Tinuloy nung pamangkin yung kaniyang kwento, "Angkel, Angkel, I rode my Bysikol..." Madali muling kinorek nung Tiyo yung kaniyang pamangkin, "Hijo, nasa America ka na. hindi Bysikol ang tawag diyan... Bysikel". Muling tinuloy nung pamangkin yung kaniyang kwento, "Angkel, Angkel, I rode my Bysikel to buy some Papsikol..." Madali na namang kinorek nung Tiyo, "Hijo, hindi Papsikol - Papsikel!" Tinuloy ulit nung pamangkin yung kaniyang kwento, "Angkel, Angkel, I rode my Bysikel, to buy some Papsikel... en den I pel... now I heb a Bukel..." Galing kay Ariel Morales Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa __ ||__\ http://www.bayani.com || \\ ||__// Para magpalista, pumunta sa website ||__< o lumiham sa sulat@bayani.com || \\ ||__// Huwag sana tanggalin ito upang ||__/ makapagpalista rin ang ibang tao Inyong lingkod, Super Perez Tagapamahala http://www.bayani.com http://bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com http://bayani.com/kuta - mga kuwento, egroups at iba pa http://bayani.com/aklatan - Bilihan ng libro http://bayani.com/patawa - Patawang Pinoy http://bayani.com/card - Bayani.com Ecard http://philshopping.com - mga bilihing sariling atin http://philshopping.com/classifieds - Libreng Classified ads http://1hunt.com - The first place to look mailto:pinoyjokes-subscribe@egroups.com - para sa mga medyo bastos na patawa mailto:bayani-subscribe@egroups.com - para makilahok sa usapang bayan mailto:sulat@bayani.com - para sumali o magpadala ng email ng kaibigan para imbitahan namin o o magpatanggal sa listahan ------------------------------------------------------------------------ The only fruitcake at overstock.com is our manager. He’s giving away a $20 coupon, plus our everyday Free Shipping. Take advantage of the savings and selection now. http://click.egroups.com/1/342/3/_/20606/_/946648532 -- Easily schedule meetings and events using the group calendar! -- http://www.egroups.com/cal?listname=bayanibalita&m=1