Subject: Bayani.com Balita #48 Maligayang Pasko
Date: Fri, 24 Dec 1999 22:57:43 +0800
From: Super Perez <super@bayani.com>
To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com>

Mga Kaibigan,

Bago ang lahat, nais ko po kayong batiin ng isang Maligayang
Pasko at Mapayapang Bagong Milenyo.

Alam ko pong punding-pundi na kayo sa mga mensaheng
"kailangan tandaan ang punot-dulo ng pasko"  at "Si Jesus
ang dapat ipagdiwang sa araw na ito" kaya hindi ko na
sasabihin.  Hinding-hindi. Hindi ko na rin sasabihin na
kahit isang simpleng "Maligayang Pagbati sa Inyong Kaarawan,
Lord" ay malaking bagay na.  Bahala na kayo kung paano niyo
ipagdiriwang ang huling pasko bago umabot ang taong dalawang
libo.

Siya-siya,  magnonoche-buena pa po kami dito sa bahay.  Sa
mga nasa ibang bansa at nag-iisa, huwag po sana kayong
maging malungkot.  Darating rin ang panahon na makakasama
niyo muli ang inyong mga mahal sa buhay.  Magtiyaga na lang
po kayo sa inyong mga bagong kaibigan at para naman sumaya
ang inyong pasko, eto po ang konting patawa para sa inyo.

Pagpalain po kayo lahat ng Poong Maykapal!

-- Super

============================

 FILIPINO NAMES CONVERTED TO AMERICAN NAMES

     Leon Mangubat               Tiger Woods
     Rogelio Dagdag              Roger Moore
     Francisco Portero           Frank Porter
     Bienvenido Jurado           Ben Hur
     Juan Tampipi                John Samsonite
     Victoria Malihim            Victoria's  Secret
     Restituto Fruto             Tutti Fruti
     Casimiro Bocaycay           Cashmere Bouquet
     Veneracio de Asis           Venereal Disease
     Alfonso de Asis             Alzheimer's  Disease
     Topacio Mamaril             Top Gun
     Eliutario Ignacio           Electronic Ignition
     Juanito Lakarin             Johnny Walker
     Esteban Pagtakhan           Stevie Wonder
     Burgos Reyes                Burger King
     Ligaya Almundo              Joy To the world
     Maria Natividad             Mary Christmas
     Ligaya Anonuevo             Happy NewYear
     Federico Hagibis            Federal Express

Padala ni Florinda Cruz

===============
Alagaan ang inyong mata.  Magpatingin sa Perez optical
(http://www.perezoptical.com).  Magpunta sa
http://perezoptical.com/discount.htm para sa discount
coupon.
===============

OVERDRIVE

Itong si Joaquin, bata pa lang ay meron nang obsession sa
kotse. Nagsimula ito noong regaluhan siya ng tatay nya ng
Matchbox na racing car. Gustung-gusto nya yung regalo at
halos oras-oras ay nilalaro nya ito. Sa kanyang paglalaro
pinangarap nya na kapag lumaki sya, bibilhin nya ang
pinaka-magarang kotse, katulad ng laruan nya.

Pumasok si Joaquin sa Elementary. Siya ay napakatalino.
Nagto-top sya parati sa klase. Consistent sya sa pag-aaral.
Valedictorian siya nung graduation. Sa kanyang isipan,
ginagawa  nya ito hindi para sa kanyang mga magulang, kundi
para sa kanya  na balang araw, mabibili nya yung gusto nyang
kotse.

Matapos ang Elementary, pumasok sya sa High School. Tulad ng
dati, siya ay palaging Honor Student. Napakagaling nya sa
klase. Isa lang ang motivation nya. Ang makabili ng gusto
nyang kotse.

Sa college, ganun din. Kasama sya parati sa Dean's List.
Halos tangurian siyang genius. Marami ang humahanga sa
kanya. Simula first year hanggang graduation, wala siyang
mababang grade. Sa kanyang pagsusumikap, parati nyang
naiisip ang kanyang pangarap na makabili ng kotse. Dahil
dito, very inspired sya.

Nakatapos si Joaquin ng pag-aaral. Madali siyang nakakuha ng
trabaho. Ang trabaho na pinili nya yung merong car
incentive. Ginalingan nyang magtrabaho para ma-qualify sa
incentive. At dahil sa kanyang mga merits, nakuha nya ito.

Birthday niya nung matanggap niya ang kotse. Honda Civic,
kahawig ng laruan niya nung bata pa sya. Very excited sya.
Pinandar niya ito kaagad. Nilibot niya yung Metro Manila.
Maghapon siyang drive ng drive. Nakalabas siya ng Metro
Manila ng hindi niya namamalayan. Drive pa rin siya ng
drive. Hanggang dis-oras na ng gabi, drive pa rin siya ng
drive. Tuwang-tuwa siya. Sa wakas natupad din ang pangarap
nya.

Hating-gabi na ng namalayan niya na hindi na niya alam kung
nasaan siya. Masyado ng madilim ang paligid at rough road na
ang dinadaanan nya. Naliligaw na siya.

Dahan-dahan na lang siyang nagmamaneho nang pigilin siya ng
limang lasing na lalaki.

"Pare, naliligaw ito. Wow, bagong kotse." sabi ng isa.

"Baba... baba..." pasigaw na inutusan si Joaquin.

Bumaba si Joaquin ng takot na takot.

"Gulpihin natin 'to, mga pare." sabi ng isa.

"Huwag, pag-tripan natin." sabi naman ng isa sa lasing.

Takot na takot si Joaquin. Hindi malaman kung ano kanyang
gagawin.

"Natataranta pare. Anong gagawin natin dito?" patawang sabi
ng isa.

"Alam ko na, halika dito." nakangising sabi ng isa kay
Joaquin sabay guhit ng pabilog sa baku-bakung kalsada.
"Tumayo ka sa bilog na yan at huwag kang lalabas. Kung
hindi, papatayin ka namin." sabay tawa.

Tumayo si Joaquin sa ginuhit na bilog. Takot na takot na
nakatingin sa mga lasing.

Nagtawanan ang mga lasing sabay basag sa side mirror ng
bagong Honda. Tiningnan nila ang reaction ni Joaquin.
Nagulat sila ng makitang nakangiti ito.

Binasag nila ang windshield at binutas ang gulong. Tiningnan
nila si uli Joaquin. Nagulat uli sila ng makitang nakangiti
pa rin ito at pinipigilan ang tawa.

Nagalit ang mga lasing. Pinag-papalo at pinag-sisipa nila
yung Civic. Tiningnan nila uli si Joaquin. Ngayon, hindi
lang nakangiti si Joaquin, tumatawa pa, tawa ng tawa.

Ang ginawa ng mga lasing, sinunog ang kotse. Pagkatapos,
tiningnan nila si Joaquin. Laking gulat at pag-tataka, tawa
ng tawa si Joaquin. Halos ma-iyak na ito sa kakatawa.

Lumapit ang mga lasing kay Joaquin at nag-tatakang
nagtanong: "Sinisira na namin yung kotse mo, bakit tawa ka
pa rin ng tawa?"

Sumagot si Joaquin na ma-ngiyak-ngiyak sa kakatawa:
"Kasi habang hindi kayo nakatingin, hi..hi..hi (hindi
mapigil ang tawa) lumalabas ako sa bilog..ha.ha.ha.ha!!!"

Padala ni Miko

===============
WebWorks Webhosting and Design.  Affordable virtual servers
with web-based control panel at http://i.am/webhosting
===============

Dear Diary,

Dec 14 Finally arrived in America for the first time. News
about the possibillity of a White Christmas!

Dec 15 Wife and I sat by the window all day watching the
snowflakes gently drifting down, covering the trees and the
ground. Like the Christmas card my sister sent me.

Dec 16 Awoke to a lovely blanket of crystal white snow
covering the landscape. What a fantastic sight! I enjoyed
shoveling my sister's driveway. A snowplow accidentally
covered up the driveway. He > waved. He reminded me of Santa
Claus. I waved back and shoveled again... no
problem.

Dec 17 Wow! 5 more inches of snow! The temperature dropped
to 5 degrees. The snowplow covered the driveway with a
compacted snow. It is cold.

Dec 18 The temp went up a little and the snow on the street
turned into a slush mixed with dirt and became
brownish-gray. Temp went down again and became icy. A tree
limb snapped and fell on my sister's new car. More snow and
ice predicted. Masakit ang likod ko.

Dec 19 Ang Lamig! The snow plow came by 2X today. First he
covered the streets with sand, then came back and pushed the
snow and ice mixed with the dirty sand on the driveway
again. Kung sa Pilipinas 'to pinagmumura ko na yung driver.

Dec 20 Power went off due to the cold. Sinisipon na kaming
lahat dito. Used kerosene heater which tipped over.
Putaragis, nasunog yung mga kilay at pilik mata ko.

Dec 21 More snow predicted. Wind chill -7 degrees. Nag
li-leak na yung bubong ng utol ko. All the plumbing pipes
are frozen. Naku hindot, walang katulong! Pagbumalik pa yung
hayop na snowplow, sa-salubungin ko na siya ng pala!

Dec 22 Anak ng puta, ang ginaw! Inabangan ko yung snowplow,
sinaksak ko yung driver, pero nakatakas ang kupal. Hindi ko
mahabol dahil ang sakit ng mga daliri at toes ko, at
lumalabo ang paningin ko. Nabubulag na yata
ako!

Dec 23 BUWAKA-NG-INA! KAYO NALANG DITO. UUWI NA 'KO SA
PILIPINAS!

        Galing sa email na ipinadala ni: Hazel Flores

Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa

  __
||__\   http://www.bayani.com
||  \\
||__//  Para magpalista, pumunta sa website
||__<     o lumiham sa sulat@bayani.com
||  \\
||__//  Huwag sana tanggalin ito upang
||__/     makapagpalista rin ang ibang tao

                      Inyong lingkod,
                      Super Perez
                      Tagapamahala
                      http://www.bayani.com

http://bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://bayani.com/kuta - mga kuwento, egroups at iba pa
http://bayani.com/aklatan - Bilihan ng libro
http://bayani.com/patawa - Patawang Pinoy
http://bayani.com/card - Bayani.com Ecard
http://philshopping.com - mga bilihing sariling atin
http://philshopping.com/classifieds - Libreng Classified ads
http://1hunt.com - The first place to look
mailto:pinoyjokes-subscribe@egroups.com - para sa mga medyo
bastos na patawa
mailto:bayani-subscribe@egroups.com - para makilahok sa
usapang bayan
mailto:sulat@bayani.com - para sumali o magpadala ng email
ng kaibigan para imbitahan namin o
o magpatanggal sa listahan

------------------------------------------------------------------------
GRAB THE GATOR! FREE SOFTWARE DOES ALL THE TYPING FOR YOU!
Gator fills in forms and remembers passwords with NO TYPING at over
100,000 web sites! Get $100 in coupons for trying Gator!
http://click.egroups.com/1/340/3/_/20606/_/946047593

-- Check out your group's private Chat room
-- http://www.egroups.com/ChatPage?listName=bayanibalita&m=1