Subject: Bayani.com Balita #46 Date: Wed, 24 Nov 1999 16:12:01 +0800 From: Super Perez <super@bayani.com> To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com> Mga minamahal na tagasubaybay sa Bayani.com Balita, Alam ko pong medyo nakaligtaan ko po ang pagpapadala ng Bayani.com Balita sa inyo. Naubos po ang oras ko sa pagbenta ng cellular phones ng kaibigan at pagtulong sa aking ama sa mga bagay-bagay. Sana po ay maintindihan ninyo. Isa lang ang maibabahagi ko sa inyo sa aking panahong nawala: mahirap kumita ng pera kung wala kang pera pero kung mayroon ka, madali mo itong mapalago. Balato naman sa mga tiba-tiba diyan o. Inayos ko po ang PerezOptical.com. Mayroon na ngayong mga tanong at sagot tungkol sa pag-alaga sa mata at kung ano ang hahanapin sa isang salamin at optiko. Bisita na sa http://perezoptical.com. Maraming salamat sa mga mabait na bumoto para sa Bayani.com sa Webby Awards. Talo po tayo pero may susunod pa. O sige, eto na po ang mga patawa at iba pa. ======Tula================== LAPIS Lapis kay daling burahin Animong bakat man ay wala, Lapis kay daling limutin Pagka't akala mo'y wala sa paningin. Lapis kay kay daling baguhin Sa isang iglap ang dati'y maglalaho Sa pag-alis, sa pagpalit, Di katiyakan kung mas tama o mali. Lapis kay daling mawala Lapis kay daling masira Lapis kay daling limutin Lapis ba ako sa iyong damdamin? Ni: Charity B.F. Santos =============== Gusto nang Mag-asawa Sa Juan ay ibig ng mag-asawa sa kasalukuyan ay mayroong siyang kasintahan na si Maria. Isang Umaga ay kina-usap niya ang kanyang Ama tungkol sa bagay na ito. Juan: Tang, nasa hustong gulang na po ako ngayon at nais ko na pong mag-asawa. Ama: Eh, Anak mayroon ka nabang kasintahan? Juan: Aba opo Tatang, Si Maria na anak ni Aling Corazon sa kabilang Ilog. Ama: Si Maria ba kamo anak, naku huwag hindi puede. Juan: Aba, bakit naman po hindi pu-puede eh, dalaga naman siya at binata naman ako. Ama: Hindi mo na-iintindihan Anak, kasi ganito iyon, huwag kang maingay sa iyong Ina ha, Kapatid mo sa akin si Maria hindi alam ng Nanay mo. Walang nagawa si Juan at nag-isip na lang ng ibang maliligawan upang pakasalan. Lumipas ang ilang buwan ay nag-karoon muli siya ng kasintahan at muling kina-usap ang kanyang Amam Tungkol sa pag-aasawa. Juan: Tang, hiniwalayan ko na si Maria at ngayon ay may bago na po akong kasintahan at pakakasalan ko na po. Ama: Eh, sino ba ito Anak? Juan: Si Genobeba po na anak ni aling Kurdapya sa kabilang baryo. Ama: (Nabigla) Naku Anak, hindi pu-puede, kapatid mo rin siya sa akin hindi alam ng nanay mo. Walang nagawa si Juan. Umalis na inis na inis sa kanyang Ama at pumunta sa kanyang Nanay at sinumbong ang gawain ng Tatay niya. Juan: Inay, na-iinis po ako kay Tatang, gusto ko na pong mag-asawa pero lahat na lang ng nagustuhan ko ay Anak ni Itay sa labas kaya hindi puede dahil kapatid ko sila sa ama. Ina: (Natatawa) Hay naku Anak, pabayaan mo ang Ama mo, sige pakasalanan mo. Anak: Hindi nga po puede dahil kapatid ko sila sa Ama. Ina: (Natatawa parin) Sabi ng puede eh, kasi hindi ka naman Anak ng iyong Ama hindi alam ng Tatang mo. ++++++++++ Nivea Milk Eksena Long Distance: Nag-uusap ang mag-asawang Mameng at Inggo Sa Telepono (Si Inggo ay nasa Saudi). Inggo: Oh, ano hon, kumusta na ba kayo diyan, O.K. lang ba? Natanggap ba ninyo ang Package na ipinadala ko sa inyo? Mameng: O.K. lang kami dito hon, at Oo natanggap na namin ang mga ipinadala mong package. Kaya lang Hon sa susunod huwag ka ng mag-padala ng Nivea Milk. Inggo: Abay Bakit naman hindi ba ninyo nagustuhan? Mameng: Hay naku Honey, hindi hiyang ang mga Anak Mo, hayun hinalo sa Kape at lahat sila ay nag-LBM.. +++++++++ Beauty Soap Sa isang Leading Supermarket sa Metro Manila, umi-ikot ang nag-popromote ng isang bagong produktong Beauty Soap. Eksena: Kinikunan ng Video Cam Live via television May model na naka blind pole at susubukang gamitin ang tatlong produktong beauty soap. Brand A, B & C. Promo Boy: (With matching microphone, pose sa camera) Narito po tayo ngayon sa isang sikat na leading Super Market Sa Metro Manila upang subukan ang tatlong beauty soap product at ang susubok ang Super Model natin na si Keriena Landiffa. Keriena: (Sinubukan ang Brand A) Itong brand A Hindi masyadong madulas, medyo parang magaspang sa balat parang sabong pang-laba. Promo Boy: Subukan mo naman ang Brand B Ms. Landiffa. Keriena: Itong brand B (hinahaplos niya ang pisngi ng sabon) Medyo parang O.K. lang. Promo Boy: Ang Brand C naman ang subukan mo. Keriena: (Hinilamos ang Brand C) Wow, very soft, madulas, masutlang masutla sa aking kutis. Ito ang gusto ko. Promo Boy: Well, mga kaibigan titingnan natin kung ano ang napili ni Ms. Landiffa (focus ang camera sa Brand C, tinanggal ang balot at nakita ang tunay na brand name). Keriena: (Shock sa nakitang brand name) Dairy Cream ?!?!?! Mga padala ni Benjan Cruz Antipuesto =============== in Erap's childhood days, his parents were a little worried, as he was still unable to decide about his future career. They decided to do a small test. They took a ten-peso bill, a bible, and a bottle of whiskey, and put them on the front hall table, and hid, pretending they're not home. The father's plan was: "If our son takes the money, he will be a businessman, if he takes the bible, he will be a priest - but if he takes the bottle of whiskey, I'm afraid our son will be a drunkard." So, the parents waited nervously, hiding in the nearby closet. Peeping through the keyhole they saw their son arrive. The son saw the note they had left. Then, he took the 10-peso bill, looked at it against the light, and slid it in his pocket. After that, he took the bible, flicked through it, and took it. Then, he grabbed the bottle, opened it and took a whiff, to get assured of the quality. Then he left for his room, carrying all the three items. The father slapped his forehead, and said: "Darn. Our son is going to be a politician!" Padala ni Ariel Morales Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa __ ||__\ http://www.bayani.com || \\ ||__// Para magpalista, pumunta sa website ||__< o lumiham sa sulat@bayani.com || \\ ||__// Huwag sana tanggalin ito upang ||__/ makapagpalista rin ang ibang tao Inyong lingkod, Super Perez Tagapamahala http://www.bayani.com http://bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com http://bayani.com/kuta - mga kuwento, egroups at iba pa http://bayani.com/aklatan - Bilihan ng libro http://bayani.com/patawa - Patawang Pinoy http://bayani.com/card - Bayani.com Ecard http://philshopping.com - mga bilihing sariling atin http://philshopping.com/classifieds - Libreng Classified ads http://1hunt.com - The first place to look mailto:pinoyjokes-subscribe@egroups.com - para sa mga medyo bastos na patawa mailto:bayani-subscribe@egroups.com - para makilahok sa usapang bayan mailto:sulat@bayani.com - para sumali o magpadala ng email ng kaibigan para imbitahan namin o o magpatanggal sa listahan ------------------------------------------------------------------------ Accurate impartial advice on everything from laptops to tablesaws. http://clickhere.egroups.com/click/1701 -- Create a poll/survey for your group! -- http://www.egroups.com/vote?listname=bayanibalita&m=1