Subject: Bayani.com Balita #45
Date: Sat, 13 Nov 1999 13:40:14 +0800
From: Super Perez <super@bayani.com>
To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com>

Kaibigan,

Mabuhay!

Dalawang araw na lang at tapos na po ang botohan sa
Webbyawards.  Gaya ng nabanggit ko po noon, lagpas isang
libo na po ang pinadadalhan ko ng balita subalit ang mga
bumoto po ay 200 lang.  Sana po ay mapagbigyan ninyo ako at
iboto niyo po ang Bayani.com sa Culture Category ng
http://www.webbyawards.com.ph.  Limang minuto lang po ito.
Isipin niyo na lang na bayad ninyo iyong limang minutong
iyon para sa ilang oras kong ginugugol sa pagpapadala sa
inyo ng mga patawa at kung ano-ano pa nang libre.

Salamat!

Eto na po ang mga patawa.

=======Wala po sanang pikunan dito, tawa lang========

 Si Ngongo ay pumunta sa isang tindahan para bumili ng soda.

 "Mabili nga o nang Mebsi." Ang sabi niya.

 "Anong sabi mo?", ang tanong ni Mang Gaston na siga ng
lugar.

 "Meb-si! Meb-si!", sigaw ni Ngongo.

 Aba at huwag mo 'kong sisigawan", ang galit ni Mang Gaston
at sinakal  niya  si Ngongo. "Anong gusto mong bilihin hayop
ka?"

 "Ngok, ngok", hindi makahinga si Ngongo.

 "Eh Coke lang pala, hindi mo masabi ng mahusay."

++++++

The ngo-ngo was guiding a truck driver back up a parking
slot.

Sigaw ng ngo-ngo: "A-asya, a-asya!"
Atras, ang truck driver.

Sigaw ulit si ngo-ngo: "A-asya, a-asya!"
Tuloy ang atras ng driver.

Nagpa-panick na si ngo-ngo: "A-asya, a-asya!"
All of a sudden, malaking KALABOG! Sumapok ang truck kung
saan.
Galit ang driver at bumaba ng truck: "Anak ka ng patola,
sabi mo kakasiya, eh bakit ako bumangga?"

Nang tignan ng driver kung ano ang nasapok niya, eh may puno
sa kanyang likuran.  Sabi ng ngongo: "Sabi ngo naman sa iyo
may puno ng aasya e!"

++++

 Si ngongo ay right-hand passenger side ng dyipni. Tumatakbo
sila sa isang  makitid na kalye sa may bukid.

 Sabi ng driver,"Ngongo, tingnan mo diyan sa kanan, at ako
dito sa kaliwa. Sabihin mo sa akin kung kanan o kaliwa at
baka tayo mahulog sa bukid".

 Sagot ni Ngongo,"O-ey Moss"   So there, takbo sila.

 Nang biglang sabi ni Ngongo, "kaniwa, kaniwa". So
turn-to-the left si  driver. "Bah, okay palang guide itong
si Ngongo", sabi ng driver.

 Later, sabi ni Ngongo, "Kanan, kanan". So turn to the right
si driver, "Okay talagang guide si Ngongo".

 Later on, while smoothly driving, sumigaw si
Ngongo,"Nganan, Nganan,  kanan sabi eh". So turn to the
right si driver nang bigla silang nahulog sa  kanal.
 Sabi ng driver na galit na galit, "Ngongo sabi mo kanan,
kumanan naman
ako bakit nahulog tayo dito sa kanal?".

 Sagot ni Ngongo,"Ay tange, habi ko nganan, mayrong' nganan,
ayaw ngang
manginig". (Iyon pala, sabi ni Ngongo "kanal, kanal, kanal
sabi eh".

   Padala ni Bryan Vicencio

===============
Alagaan ang inyong mata.  Magpatingin sa Perez optical
(http://www.perezoptical.com).  Mag-email sa
info@perezoptical.com o magpunta sa
http://perezoptical.com/discount.htm para sa discount
coupon.
===============

Matagal nang naghahanap ng trabaho yung bagong saltang
Pinoy. Nakakita
siya ng posibilidad sa "Help Wanted" section ng Classified
Ads. "Wanted
- Painter of Porch". Aba!, sabi nung Pinoy sa sarili... OK
ito! Sa
Pilipinas, e marami na akong pininta; yung libingan ng lolo
ko, yung
pader ng lumang bahay namin, yung kulungan ng mga baboy ng
tiyo ko -
pwede palagay ko ako rito!

In-explain nung Kano na nangangailangan ng pintor: "I need
to have my
porch painted, all in one day. The work involves scraping
all the paint
up to the bare surface, applying a coat of primer and two
final coats
of orange paint. Can you do this?"

Sagot nung Pinoy nung ininterbyu siya ng Kano... "Sir, yes
sir. I can
kakas... I mean, remoob paint en apply paint beri well."

"Okay!", sabi nung Kano. "You've got the job! Everything
you'll need
has been unloaded from the trunk of the car."

Tatlong oras pa lang, narining na nung Kano na kumakatok
yung Pinoy sa
pinto niya. "Sir... Pinis oreydi".

"Wow!" sabi nung Kano. "You finished the job in three hours.
Are you
sure you scraped the old paint to the bare surface?"

"Sir, yes sir. I tanggalated all the old paint." sagot nung
Pinoy.

"Then, you deserve a bonus! Here's another 20 bucks." sabi
nung Kano.

"Sir, tenkyu sir." wika nung Pinoy. "Pero sir, you don't heb
a porch...
your car is a BMW..."

     Padala ni Ariel Morales

===============
WebWorks Webhosting and Design.  Affordable virtual servers
with web-based control panel at http://i.am/webhosting
===============

Tatay na mayayabang

Tatay na mayabang: Ako'y tunay na natutuwa sa aking panganay
na lalaki.
Nagtapos ng Business Administration sa UP at mayroong MBA
galing sa
Harvard. Ngayon, e Presidente siya ng isang malaking
Corporasyon. Sa
yaman niya, e, binigyan niya ng isang Mercedes at isang BMW
yung isang
kaibigan niya.

Tatay na Mayabang Rin: Ako'y galak na galak sa bunso kong
lalaki. Nagtapos ng Medicina sa UP-PGH at nag Residency sa
Sloan Kettering.
Ngayon, e Director for Research siya at kandidato para sa
Nobel Prize.
Mayaman din siya. Biro mo, yung isang kaibigan e binigyan
niya ng
apartment sa 5th Avenue sa Manhattan.

Tatay na Nahihiya: Ako'y medyo disappointed dito sa kaisaisa
kong
lalaki. Nangyari pa e bakla at binabae. Hindi bale nang
malandi, e kung
sino-sino pang lalaki ang mga kinkasama. Hairdresser siya
pero mukha
namang mahusay makisama. Yung kaniyang BMW at Mercedes, at
yung tinitirhan niyang apartment sa 5th Avenue e bigay lahat
ng mga "boypren" niya.

    Padala ni Ariel Morales

Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa

  __
||__\   http://www.bayani.com
||  \\
||__//  Para magpalista, pumunta sa website
||__<     o lumiham sa sulat@bayani.com
||  \\
||__//  Huwag sana tanggalin ito upang
||__/     makapagpalista rin ang ibang tao

                      Inyong lingkod,
                      Super Perez
                      Tagapamahala
                      http://www.bayani.com

http://bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://bayani.com/kuta - mga kuwento, egroups at iba pa
http://bayani.com/aklatan - Bilihan ng libro
http://bayani.com/patawa - Patawang Pinoy
http://bayani.com/card - Bayani.com Ecard
http://philshopping.com - mga bilihing sariling atin
http://philshopping.com/classifieds - Libreng Classified ads
http://1hunt.com - The first place to look
mailto:pinoyjokes-subscribe@egroups.com - para sa mga medyo
bastos na patawa
mailto:bayani-subscribe@egroups.com - para makilahok sa
usapang bayan
mailto:sulat@bayani.com - para sumali o magpadala ng email
ng kaibigan para imbitahan namin o
o magpatanggal sa listahan

------------------------------------------------------------------------
A shopper’s dream come true! Find practically anything on earth at eBay!
Come and browse the more than 2 million items up for bid at any time.
You never know what you might find at eBay!
http://clickhere.egroups.com/click/1140

-- Talk to your group with your own voice!
-- http://www.egroups.com/VoiceChatPage?listName=bayanibalita&m=1