Subject: Bayani.com Balita #43 Date: Wed, 03 Nov 1999 18:54:17 +0800 From: Super Perez <super@bayani.com> To: Balita <bayanibalita@egroups.com> Kaibigan, Mabuhay! Maraming nagpatanggal sa listahan. Baka po akala ninyo ay discussion group po ang bayanibalita@egroups.com. HINDI po ito ganoon. Ang email ko lang ang matatanggap ninyo. Ang bayani@egroups.com po ang discussion group. Wala po akong masabi ngayon. May pagsusulit na naman bukas. Pagdasal niyo na lang po ako. Eto ang mga patawa. =============== Masunurin Ina: Anak, mag-ingat ka sa pag-lalakad sa kalsada, lagi kang tatabi sa sasakyan. Anak: Opo Inay. Masunurin ang Anak kaya hayun tigbak, kasi tumabi sa malaking Truck, nasagasaan. ++++++++++ Question: Bakit Itinayo ang Monumento sa Caloocan City. Sagot: Kasi kung hindi ito itinayo doon, lalong lalala ang daloy ng trapiko no. Biruin mo nakahambalang ito sa Circle saan dadaan ang mga sasakyan? ++++++++++ Ilaw ng Tahanan Anak: Inay, Inay, tulungan po ninyo ako sa aking Assignment. Ina: (Aburido dahil maraming ina-asikaso) Ano ba iyon, Anak, bilisan mo ang pag-tanong at marami pa akong gagawin. Iyang Tatay mo hangga ngayon wala pa, wala pa tayong isa-saing. Anak: Eh, Inay sabi po ng titser namin ay ang Ina po ang Ilaw ng tahanan, tapos ang tanong niya ano po raw ang tawag sa Ama. Ina: (Aburido parin) Sabihin mo diyan sa Mam mo ang Ama ay....Tiga Pundi ng Ilaw. ++++++++++ Makikita Ina: (May-hinahanap na nawawalang gamit) Mga bata hanapin ninyo ang nawawalang gamit ng Ama ninyo. Naku, malilikot talaga kayo! Sabi ng huwag ninyong papa-kialaman ang Gamit ng Ama ninyo hayan nawawala na. Kapag hindi ninyo nakita ang pinahahanap ko, Makikita ninyo sa akin (galit na). Mga Anak: (sabay sabay na sumagot) Eh, makikita naman pala sa inyo eh, bakit pa namin hahanapin? Padala ni Benjan Cruz Antipuesto =============== Alagaan ang inyong mata. Magpatingin sa Perez optical (http://www.perezoptical.com). Mag-email sa info@perezoptical.com o magpunta sa http://perezoptical.com/discount.htm para sa discount coupon. =============== Pulmonya Isang lalaki ang nagpatingin sa kanyang doktor. "Dok, sigurado ho ba kayong pulmonya ang sakit ko?" tanong ng pasyente. "Marami ho akong narinig na ginamot ng doktor ang kanilang pulmonya pero ibang sakit naman ang ikinamatay nila." "Huwag kang mag-alala," nakangiting sabi ng doktor. "Pag sinabi kong pulmonya ang sakit ng pasyente, pulmonya rin ang ikamamatay niya." ++++++++++ Maling Doktor Humihingal at lawit-dilang nakaakyat sa fifth floor si Elmo papunta sa klinika ng doktor. "Dok, ano ho ba ang gagawin ko para bumuti ang pakiramdam ko?" Magdiyeta ka para mabawasan ang taba mo. Tumigil ka sa paninigarilyo at pag-inom. Tapos, pumunta ka sa optiko." "Optiko? Bakit ho?" "Para mabasa mo ang karatula sa pinto. Arkitekto ako eh. 'Yung doktor, nasa first floor." +++++++++++ Sipon sa Likod Nagpatingin si Joy sa doktor dahil sa nararamdaman niyang kakaiba sa katawan. Joy: Dok, pakitingnan nyo nga ako. Masama ang pakiramdam ko. Doktor: Halika't susuriin kita. Pagkatapos ng isang oras. Joy: Dok, ano hong resulta? Doktor: Huwag kang mag-alala hindi gaanong serious. Sipon lang sa likod. Joy: Dok, pakipunas na lang po! Ipinadala ni: Ma Cristina Falls =============== WebWorks Webhosting and Design. Affordable virtual servers with web-based control panel at http://i.am/webhosting =============== May isang Americano na umuwi ng Pilipinas para makilala niya and penpal niya ng personal. Paglabas niya nang airport, nag-take siya nang bus na papunta sa lugar ng kaniyang ka-penpal at sinabi niya ang address sa konduktor ng bus. Pagdating doon sa lugar, huminto and bus at bumaba ang Americano. May nakita siyang bata na naglalaro sa kanto. Nilapitan niya ito at ipinakita ang litrato ng kaniyang penpal. Tiningnan ng bata ang litrato at agad na nakilala ng bata ang babae. "Si Ate Marissa, 'yan, eh!," ang sabi ng bata. "Yes, it is Marissa. Do you know where she lives?", ang tanong ng Americano Nag-isip ang bata ng isasagot dahil hindi siya marunong mag-English. Ang sinabi ng bata, "O.K., you liko-liko here, you liko-liko there, and then you liko-liko over there until you bundol the pader." Nag-isip ang Americano ngayon kung ano ang kaniyang isasagot. Ang kaniyang sagot: "I didn't understand what you said, boy. Don't speak deep English, I'm only a high school graduate in America." ++++++++ I. Pasimula Tatlong Maria -- Ubod ng ganda Magkakamukha Kambal po sila Si Cora -- Talagang pilya Masayang kasama Palaging tumatawa Si Inday -- Parang patay Palaging malumbay Walang kabuhay-buhay Si Lucy -- Parang pipi Tahimik kasi Wala na 'kong masabi II. Ang Ina Si Donya Eugenia -- Ina ng mga hija Mahigpit ang pag-alaga Sa ating tatlong Maria Ni hindi itinuro Hanggang tumanda ang tatlo Mga bagay sa mundo ..... Bakit kamo? Aba, ewan ko! III. Gabi ng kasal Di tumagal -- Ang tatlo'y sabay kinasal Pero di yata alam ang i-aasal Sa gabi ng parangal [?] Kaya naman..... Sa kani-kanyang pinto Ang Donya ay huminto Upang pakinggan po At mag-usyoso ng husto Sa silid ni Cora Panay ang halakhak "Kay Inday naman kaya?" Aba..... puro naman iyak At kay Lucy -- Ang Donya ay timping-timpi Bakit walang kahuni-huni? Ni "hu-hu-hu", ni "hi-hi-hi" Hmmmmm..... IV. Kinaumagahan Intrigang-intriga Si Donya Eugenia Sabik na sabik -- "Kumusta ang pagtatalik?" Unang tanong, kay Cora -- "Bakit ka kagabi tumatawa?" "Hindi niyo sinabi, mama Nakakakiliti pala!" Sumunod si Inday -- "Puro ka iyak. Bakit ka malumbay?" "Hindi niyo sinabi, nanay Iyon pala'y..... super aray!" Si Lucy, sumunod na tinunton -- "Bakit kagabi, walang kaungol-ungol?" "Di ba sabi niyo inay, mula't sapul: DON'T TALK WHEN YOUR MOUTH IS FULL!" Mga Padala ni Ariel Morales Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa __ ||__\ http://www.bayani.com || \\ ||__// Para magpalista, pumunta sa website ||__< o lumiham sa sulat@bayani.com || \\ ||__// Huwag sana tanggalin ito upang ||__/ makapagpalista rin ang ibang tao Inyong lingkod, Super Perez Tagapamahala http://www.bayani.com http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com http://www.bayani.com/kuta - mga kuwento, egroups at iba pa http://www.bayani.com/aklatan - Bilihan ng libro http://www.bayani.com/patawa - Patawang Pinoy http://www.bayani.com/card - Bayani.com Ecard http://www.philshopping.com - mga bilihing sariling atin http://www.philshopping.com/classifieds - Libreng Classified ads http://www.1hunt.com - The first place to look mailto:pinoyjokes-subscribe@egroups.com - para sa mga medyo bastos na patawa mailto:bayani-subscribe@egroups.com - para makilahok sa usapang bayan mailto:sulat@bayani.com - para sumali o magimbita ng kaibigan mailto:sulat@bayani.com - para sumali o magimbita ng kaibigan (o magpatanggal sa listahan) ------------------------------------------------------------------------ -- Check out your eGroup's private Chat room -- http://www.egroups.com/ChatPage?listName=bayanibalita&m=1