Subject: [bayani]Patawa
Date: Thu, 18 Mar 1999 18:50:18 +0800
From: "bayani.com" <sulat@bayani.com>
To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com>

Mga Binibini at Ginoo,

Mabuhay!
Sa mga bagong sali, salamat at sana magustuhan ninyo ang aming mga
pakulo.  Kung may naisip kayong nais ninyong makita, sumulat lamang
kayo sa sulat@bayani.com at susubukan naming gawin iyon.

Eto ang ipinangako kong nakakaaliw kahapon.  Ang umpisa ay ipinadala
kay Willie pero ang huli ay sarili niyang gawa.  Panahon na ng
bakasyon.  Kung may panahon kayo, ipagdasal niyo naman ang mga
nag-aaral.

Kung mayroon kayong mga patawang naitago o naaalala, padala niyo lang
dito sa amin para maipamahagi natin sa lahat.

===============

[Ang unang mga hirit ay pinadala kay Willy ng kanyang pinsan at
pamangkin]

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo ay duling,
Bumagyo ma't humangin,
Sa 'yo pa rin nakatingin.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo ay mataba,
Umulan ma't bumaha,
Puwede mong gawing bangka.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo ay kirat,
Kumulog ma't kumidlat,
Palagi pa ring nakakindat.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo ay singkit,
Maimbiyerna man o magalit,
Kaniyang mata'y nakapikit.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo ay payat,
Hindi halatang inaapi,
Gutom man o puyat.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo'y kuripot,
Kahit sa panahon ng krisis,
Pera'y napapaikot.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Piliin mo ay tanga,
Magunaw man ang mundo,
Bale wala, naka-nganga.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Piliin mo ay matanda,
Kailan man mamatay,
Mana mo'y nakahanda.

I DONT KNOW WHO THE CREATOR WAS, here is my
version:

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo ay BULAG,
Bumagyo ma't humangin,
SIYA'Y NAKADILAT PA RIN.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo ay MAHINHIN,
KAHIT SAAN MO KALABITIN
SIGURADONG NAGLALAMBITIN.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo ay GUWAPO,
KAHIT HINDI KA MAGANDA
TAO'Y PINAGTITINGINAN KA.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo ay TSISMOSA,
MAKATITIPID KA SA DIYARIO
TV NEWS, AT BALITA.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo ay BIGOTILYO,
KAHIT MARUMI ANG NGIPIN MO
DI NA KAILANGAN NG SEPILYO.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo ay BLUE EYES,
Maimbiyerna man o magalit,
Kaniyang mata'y SIGURADONG IMPORTED.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo ay NEGRA,
KAHIT DI KA PA INAANTOK
IKAW'Y SIGURADONG MATUTUMBA.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo ay SI WILLIE,
Hindi halatang inaapi,
ASAHAN MONG SIYA'Y KAWILIWILI.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo'y GASTADOR,
Kahit sa panahon ng krisis,
Pera'y MARAMI SA APARADOR.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Piliin mo ay MATALINO,
Magunaw man ang mundo,
NAKATAAS PA RIN ANG NOO.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Piliin mo ay si WILLIE pa rin,
NAPAGTIYATIYAGAAN MO ANG JOKES
KAHIT NA ALAM MONG CORNY.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Piliin mo ay members ng BAYANI,
MERON KA NANG ASAWA
MERON KA PANG BAYANI.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Piliin mo ay BATA,
Kailan man GUSTUHIN,
SIYA AY LAGING nakahanda.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo ay MATABA,
Umulan ma't bumaha,
ANG WATERBED MO'Y LAGING HANDA.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo'y MAJONGERO,
WALA MAN SIYANG EDUKASYON
SIGURADONG SIYA'Y MAY AMBISYON.

Kung ikaw ay mag-aasawa,
Ang piliin mo ay UTUTIN,
KAHIT NA IKAW ANG UMUTOT
TAO'Y sa KANYA paRIN NAKATINGIN.

            Galing sa email na ipinadala ni: Willie Asuncion
            Ang huling parte ay isang orihinal na gawa ni Willie.
            Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa

      \\ | //
       (o o)            http://www.Bayani.com
---oOOo-(_)-oOOo--------------------------------

Para sumali, magpadala lamang ng sulat sa sulat@bayani.com o pumunta
sa website. Mas marami pang mga patawa sa http://www.bayani.com/patawa

Sana ay huwag tanggalin ang mga sulat na ito pag-ipapadala sa kaibigan
para makasali rin sila.

                      Inyong lingkod,
                      Super Perez
                      Tagapamahala
                      http://www.bayani.com

http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://www.bayani.com/kuta - Kuta ng mga Katipunero
http://www.bayani.com/aklatan - Aklatan ng Bayani.com
http://www.bayani.com/patawa - Patawang Pinoy
http://www.philshopping.com - Tiangge sa Internet