Subject: Bayani.com Balita #39
Date: 20 Oct 99 21:44:13 +-0800
From: "Bayani.com"<sulat@bayani.com>
To: "Listahan ng Bayani.com"@mail1.info.com.ph

Kaibigan,

Magandang gabi po sa inyong lahat. Ako po ang napakaganda at balinkinitang
kapatid ni Super. Sabi nila dapat daw ay Wonder ang pangalan ko para bagay
kami pero tawagin niyo na lang akong Nene. Si Kuya ay kasalukuyang natutulog
at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong sumulat - madalas naman kasing
mga daliri ni Kuya ang nakadikit dito sa "keyboard". Hindi naman po ako
mahilig mag-"internet" pero masaya rin na magkaroon ng maraming
kakuwentuhan.

Dito sa Pilipinas, isa sa mga pinagkaka-abalahan pa rin ng mga tao ay
makinig sa tsismis. Alam niyo po bang ang artistang si Anjanette Abayari ay
nahuling may dalang "paraphernalia" ng shabu sa bag niya sa Guam bago umuwi
sa atin? Siyempre, ang daming kapwa Filipino ang nagsisipagsalita:
Nakakahiya, nalublob na naman sa putik ang pangalang Pinoy; Nakakaawa, baka
naman hindi kanya 'yon; Hindi naniniwala, baka nilagay lang sa bag niya 'yon
ng isang kaaway. Kung ako ang tatanungin, konti na nga lang tayong Filipino,
inaapi pa ng taga-ibang bansa, bakit ko naman aapakan pa ang isang kapwa
Filipino na nagdudusa doon sa ibang bansa? Naka-"house arrest" daw siya
ngayon. Kung ako siguro 'yon, baka hinila ko na lahat ng buhok ko sa
kabaliwan.

Sa isang banda, alam niyo rin ba na may isang Filipino na nakaimbento ng
Water Car? Ang galing niya! Siya si Eng. Dingle. Nakita niyo sana 'yung
"prototype" niya sa telebisyon, tumatakbo talaga sa kaha ng isang Toyota
Corolla. Madami na daw pong ibang mga bansa na gustong bumili ng "patent"
niya sa halaga ng milyon-milyong piso pero hindi siya pumayag. Sabi niya,
para sa Filipino niya inaalay ang kanyang imbensiyon para daw meron tayong
maipagmamalaki. Hay, minsan talaga mabibilib ka rin sa bait at galing ng
iyong kapwa. Hanggang dito na lang, sa uulitin.

---------------

Eto na ulit si Super.  Kung nais ninyo kaming maabot, sumulat lang sa
sulat@bayani.com. Kung nais niyo naman tumanggap ng mga medyo bastos na
patawa,  magpadala ng email sa  mailto:pinoyjokes-subscribe@egroups.com.

Paalala lang po sa mga hindi pa bumoto sa http://www.webbyawards.com.ph para
sa Bayani.com sa culture category.  Limang minuto lang po ang parehistro at
mas mabilis pa ang pagboto.

Isa sa maraming email ng kaibigan na ipinadala ni Joselito Jay Isidro ang
ika-900 na kasapi natin dito sa Bayani.com Listahan.  Salamat sa mga bagong
sali at sa mga nagbigay ng mga email ng kanilang kaibigan.  Pinadalhan na po
namin sila ng Paanyaya para sumali.

Napahaba na tuloy.  Ang daldal ng kapatid ko ano po?  :^)

===============

UNANG PINOY OLYMPIAN
Ang unang Filipino Olympian ay si David Nepomuceno. Siya mag-isa ang bumuo
ng Philippine Athletic Contingent noong 1924 sa Paris. Sumali siya sa 100-
at 200-meter track sprints pero hindi siya nakalagpas sa heats.

UNANG PINAY OLYMPIAN
Ang unang mga pinay olympians ay ang mga track runners na si Francisca
Sanopal at Manolita Cinco kasama ang mga swimmers na si Gertrudes Lozada at
Jocelyn von Giese sa
1956 Melbourne Olympics.

NAWALANG PINOY GOLDS
Ang Pilipinas ay dapat nakatanggap ng kanilang unang dalawang Gintong
medalyon noong 1948 sa London kung hindi lang humirit si Kupido. Ang
Olympian na si Victoria Manalo ay may Pilipinong tatay at isang nanay na
taga Englatera. Siya ay pinanganak at pinalaki sa San Francisco. Pinili pa
rin niya ang maging Filipino. Sa edad na 16 anyos, nagustuhan niya ang
Diving .... pati na ang kanyang Amerikanong coach, si Lyle Draves.
Nagpakasal sila at nang umabot ang 1948 Olympics, siya ay nakilahok bilang
isang Amerikano. Nanalo siya sa Springboard at Platform events. Si Victoria
Manalo ang unang diver na nanalo ng dalawang ginto sa isang Olympics.

                 Sinalin galing sa Pinoy Trivia

===============
Alagaan ang inyong mata.  Magpatingin sa Perez optical (
http://www.perezoptical.com).  Mag-email sa info@perezoptical.com o magpunta
sa http://perezoptical.com/discount.htm para sa discount coupon.
===============

Salamat kay Ariel Morales sa mga nakakatawang mga pinapadala niya.  Ang dami
po at lahat ay maganda.  Salamat rin sa mga sihestiyon.  Ang dalawa sa
pinadala niya na mas maganda kung sa Bayani.com niyo na lang basahin ay ang
Ano and dapat gawin kung tinatamad kang magtrabaho? sa
http://bayani.com/patawa/anoa.htm at ang Matanda ka na kung.. sa
http://bayani.com/patawa/mat.htm.  Ang iba ay nasa ibaba.

May ibang mga patawa na nilagay lang sa Bayani.com Patawa sa
http://www.bayani.com/patawa.  Ito ang  "Ang Kumpisal" ni Henry Solmarin ,
ang "The Test" ni Joanie, at ang "Dracula at the Pearly Gates" ni Ariel
Morales.

===============
WebWorks Webhosting and Design.  Affordable virtual servers with web-based
control panel at http://i.am/webhosting
===============

President Erap looks up from his desk in Malacanang to see one of his aides
nervously approach him.

"What is it?" exclaims the President.

"Its this Abortion Bill Mr. President, what do you want to do about it?"
the aide replies.

"Just go ahead and pay it." responds the President.

++++++++++

A newspaper did a survey:

100 women surveyed were asked, "Would you sleep with president Erap"?

81 replied, "Never Again".

++++++++++

One day Erap is going to give a speech at an Elementary School. He asks the
teacher what the children are studying and she replies that they are
learning about Tragedies. So the President decides to talk about Tragedies.

He asks a student, "What would you consider to be a tragedy?"

The kid thinks for awhile and then says, " If a boy is running after a ball
into a street and gets run over by a car and dies."

Erap responds, "No, I don't think that's a tragedy... that's an accident."

Then Erap asks another kid to give an example of a tragedy.  The kid says,
"If a bus full of kids drives over a cliff and they all die."

This time Erap says, "I don't think that's a tragedy... I think that's a
great loss."

So again Erap asks another kid to give an example of a tragedy.  The kid
responds, "If you're on a air plane and it crashes."

"Right!" says the president to the kid. "That would be a tragedy... how did
you ever know that?"

Quickly, the kid replies, " Because I know it's not an accident and I know
it's not a great loss."

+++++++++++

It was lunch break, and three students were opening their respective lunch
bags.

Student from UP:  "Naku naman!  Peanut butter sandwich na naman! Ayoko na!
Pag bukas peanut butter sandwich na naman ang lunch ko, magpapakamatay na
lang ako!"

Atenean:  "Oh, man!  Roast beef sandwich again?!!  If I have to eat this
again tomorrow, I'll kill myself!"

LaSallite:  " --#@*%--!  I can't believe I have turkey sandwich again! I
don't don't want this anymore!  If this is what I'll be having for lunch
tomorrow, I'd rather die!"

      The next day...

The UP student was heard to shout  "Peanut butter na naman!", and proceeded
to throw himself off a bridge into the Pasig River.

The Atenean saw he had roast beef sandwich again, quietly rewrapped his
food, got his bag, went to his dorm room, and hung himself from the rafters.

The LaSallite seeing turkey peeking out between bread slices, cursed out
loud, strode to the trash can, and threw the sandwich and the rest of his
lunch in there.  Then he got into his shiny new car and drove himself into a
sturdy cement pole.

The next day, their respective mothers were being interviewed for the
evening news.

Mother of the UPian:  (crying) "Kung alam ko lang ho na gagawin niya 'yan,
iniba ko na lang ho sana ang inihanda kong pananghalian niya."

Mother of the Atenean: (teary-eyed)  "If I only knew he would kill himself
over a roast beef sandwich, I would've asked his yaya to fix him something
else for lunch."

Mother of the LaSallite: (sigh)"Ewan ko ba!  I really don't understand why
he killed himself because he was having a turkey sandwich again for lunch.
E, everyday, siya naman ang nagfi-fix ng lunch niya."

       Mga patawang galing kay Ariel Morales
       Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa

  __
||__\   http://www.bayani.com
||  \\
||__//  Para magpalista, pumunta sa website
||__<     o lumiham sa sulat@bayani.com
||  \\
||__//  Huwag sana tanggalin ito upang
||__/     makapagpalista rin ang ibang tao

                      Inyong lingkod,
                      Super Perez
                      Tagapamahala
                      http://www.bayani.com

http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://www.bayani.com/kuta - mga kuwento, egroups at iba pa
http://www.bayani.com/aklatan - Bilihan ng libro
http://www.bayani.com/patawa - Patawang Pinoy
http://www.bayani.com/card - Bayani.com Ecard
http://www.philshopping.com - mga bilihing sariling atin
http://www.philshopping.com/classifieds - Libreng Classified ads
http://www.1hunt.com - The first place to look