Subject: Bayani.com Balita #34
Date: 29 Sep 99 02:14:00 +-0800
From: "Bayani.com"<sulat@bayani.com>
To: "Bayani.com Listahan"@cvt.csi.com.ph

Kaibigan,

Mabuhay!
Kung mayroon kayong nais makita, patawang nais ibahagi o maging ano man pati
na ang magbuhos kayo ng sama ng loob :^), sumulat lamang sa
sulat@bayani.com.

Mga kaibigan!! Iboto niyo naman po ang Ating bahay kubo sa Internet
(Bayani.com) sa Webby awards.  Maaaring magparehistro sa
http://www.webbyawards.com.ph/peoples/register.htm.  Dalawang minuto lang po
ito.  Tapos maaaring iboto ang Bayani.com sa CULTURE category.  Sana po
matulungan ninyo ako dito. (Medyo magulo daw ang webbyawards database kaya
kung wala ang Bayani.com, paki hanap na lang ang Super Perez.)

Naniniwala ba kayo sa aswang at multo?  Ako oo.  Maglalagay rin ako ng ibat
ibang mga kuwento ng mga kababalaghan sa Bayani.com.  Ang iba doon ay totoo
at ang iba ay maaaring kathang isip.  Alam niyo ba na ngayong gabi lang ako
tinantanan ng isang hindi ko alam kung ano na ang tunog ay "ik ik ik" sa
labas ng bintana ko.  Akala ko baka paniki lang o kung ano dahil may pakpak
na pumapagaspas.  Ilang gabi na bumibisita sa labas ng bintana ko yan.
Isang beses naamoy ko pa nga.  Amoy patay na daga na nawala nung tumigil na
yung ik ik at pumagaspas paalis.  Sinabihan ako na subukan kong maglagay ng
bawang sa labas ng bintana ko.  Laking tuwa ko na lang nang marinig ko na
may pumagaspas tapos may malakas na "ikkk" at umalis agad.  Para bang
nagulat (o natakot).  Takot ba sa bawang ang mga paniki?

Sige, baka may mga matatakutin sa listahan kaya sa website ko na lang po
ilalagay ang iba pang kuwento (kung wala sa kuta, sa balitaan ko na lang
ilalagay).  Patatawanin na lang kayo ng patawang pinadala ni Erwin na
nakalimutan ko na pero sobrang nakakatawa.

===============

KABARET

Si TONYO umuwi ng lasing galing sa kabaret, siya ay sumakay ng dyip.

Tonyo   : Mamang driver, heto ang bayad ko...

Driver  : Saan galing...

Paunti unting lumapit ito papuntang driver at saka bumulong...

Tonyo  :  Sshhh... sa KABARET.

++++++++++++++++
Alagaan ang inyong mga mata.  Magpagawa ng computer glasses sa Perez
Optical.  http://www.perezoptical.com
Hindi lahat ng Perez Optical mayroon ng mga ito.
++++++++++++++++

WALANG LUSOT

Si Trixie ay seloso at palaging tsine - check ang kanyang babaerong mister
tuwing uuwing galing ng opisina. Isang araw galing sa klub si mister...

TRIXIE          :  Ano ka ba naman tingnan mo itong polo mo may buhok na
kulay blonde, siguro Americana ang ka-table mo ano.. Hudas!!!
MISTER          : Hindi kumain lang ako ng mais at nadikit yung buhok
(palusot lang)

Kinabukasan....

TRIXIE          : Ano ba naman kahapon blonde ngayon kulot naman...
walanghiya ka talaga..
MISTER  : (palusot uli) hindi nadikit lang nanghiram lang ako ng suklay sa
kumare mong kulot sa opisina kanina. ( lusot ulit )

Kinabukasan talagang sobrang pagiingat ang ginawa ni lalaki upang hindi na
mabisto, pinagpag muna niya ang damit bago umuwi...

TRIXIE          : Walanghiya ka talaga pati kalbo pinapatulan mo na ngayon!!

++++++++++++++++
WebWorks internet website hosting. http://i.am/webhosting.  Mura na mabilis
pa.
++++++++++++++++

E DI KAMUTIN MO !!

Si Bebang galing ng probinsya at isang relihiyosa ay nagpunta sa Maynila
upang maghanap ng trabaho. Sa madalit salita siya ay natanggap at tumawag sa
probinsya upang ipaalam na siya ay may trabaho na.

TEL. OPERATOR : Telephone & telegraph Co. Makati, what is the place & number
you are calling Ma'am.
BEBANG     :  Hello ano.. ( Hindi maintindihan ni Bebang dahil sa slang na
English.

TEL. OPERATOR : Telephone & telegraph Co. Makati, what is the place & number
you are calling Ma'am.

BEBANG          : Pakiulit...

Dahil sa haba ng introduction pinaikli na lamang ng operator ang intro..

TEL. OPERATOR : Hello Ma'am this is T.T. Co. Makati... number & place you
calling...
BEBANG          : Bastos!!!,  kung Makati ang titi mo kamutin mo!!.

        Mga padala ni Erwin Zurcarer
        Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa

  __
||__\   http://www.bayani.com
||  \\
||__//  Para magpalista, pumunta sa website
||__<     o lumiham sa sulat@bayani.com
||  \\
||__//  Huwag sana tanggalin ito upang
||__/     makapagpalista rin ang ibang tao

                      Inyong lingkod,
                      Super Perez
                      Tagapamahala
                      http://www.bayani.com

http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://www.bayani.com/kuta - Kuta ng mga Katipunero
http://www.bayani.com/aklatan - Aklatan ng Bayani.com
http://www.bayani.com/patawa - Patawang Pinoy
http://www.bayani.com/card - Bayani.com Ecard
http://www.philshopping.com - Tiangge sa Internet