Subject: Bayani.com Balita 9499 Date: 04 Sep 99 18:02:56 +-0800 From: "Bayani.com"<sulat@bayani.com> To: "Super Perez "<super@bayani.com> Kaibigang Super, Mabuhay! Maraming salamat sa mga nagpadala ng mga patawa. Nagkakadoble-doble na nga e pero salamat pa rin dahil kung walang ipinapadala, wala rin akong maipapadala. Isa pa, masarap isipin na may mga nakakaisip at nagpapangiti sa inyo di ba? Napadpad po ako sa website ng Philippine Tourism Authority at nagulat ako nang makita ko na ang background ng left frame nila ay ang pinaliit na background ng Bayani.com. Sabi nga nila sa wikang Ingles "Imitation is the sincerest form of flattery." Pero maaari ring nagkapareho kami ng software at templates. Sana tanggapin nila ang sulat ko sa kanila para isponsor nila ang bayani.com. Pag-may sponsor na kami, sisiguraduhin kong hindi lang dalawang beses bawat linggo lalabas ang Bayani.com balita. Ang pagtitipid sa ISP fees lang naman ang nagpipigil sa amin e. Nasa panahon ngayon ang durian! Para sa mga hindi pa nakatikim ng matusok at mahalimuyak na prutas na ito, kailangang humagilap kayo ng kahit isa at subukan. Ang karamihan ay ayaw ang amoy nito pero sinasabi ko sa inyo, kung gaano kaayaw niyo ang amoy sa umpisa, ganoon niyo magugustuhan ang lasa ng laman nito. May maraming school jokes po ang naipadala sa akin. Ilalagay ko na lang po sa autoresponder kasama ng ilang mga medyo berdeng patawa. Napakasaya po ng nakalista sa autoresponder ngayon. Magpadala lang ng blankong email sa bastos@bayani.com at babalik sa inyo ang isang kopya. Huwag po kayong susulat sa address na yon sapagkat hindi ko po nakukuha. Kung may ipapadala kayo o nais sabihin, sumulat lamang sa sulat@bayani.com. Sana walang masasaktan sa school jokes. Wala po akong pinapanigan. Pareho ko pong naging paaralan ang Ateneo at La Salle kaya kung may dapat masaktan, isa na ako doon. Tama na ang chika, eto na ang mga patawa. =============== Accidente Isang madilim na gabi, may dalawang turistang nagtangkang bumaba ng Baguio patungong Maynila. Sina Peter Hill at ang kanyang asawang Jenny Hill ay nagmamadali dahil lilipad na sila sa Estados Unidos sa kinaumagahan. Habang kumakaripas ng takbo sa highway, may isang kalabaw na tumawid at sinabayan ng isang malaking kidlat at kulog. Nagulat si Peter Hill at bumangga sila sa isang puno. Nang matauhan si lalake, nakita niya na duguan at walang malay ang kanyang asawa. Agad siyang lumabas, binuhat ang asawa at naglakad para maghanap ng tulong. Sa may kalayuan, nakakita siya ng isang malaking lumang bahay na may ilaw. Lumapit siya at kumatok. Isang kuba ang sumagot at tinanong siya "Anong kailangan niyo?" Hindi na ininda ni Peter ang itsura ng kuba at agad sumagot "I am Peter Hill and this is my wife Jenny Hill. I hope you understand me because I need help. We had an accident and my wife is seriously wounded." Sabi ng kuba:"Yes, I understand little. Come in. My master a doctor." Agad ipinasok ni Peter ang kanyang asawa at inihiga sa sofa. "I call my master. Wait here." ang sabi ng kuba. Ilang minuto ang nakalipas nang bumaba ang isang lalaking maputla at may katandaan na nakasuot ng isang pulang-pulang robe. "My name is Don Guancho." ani ng bumaba. "I am a doctor but not the kind that you need but I think I have some equipment here that can help. Please bring your wife to my laboratory. I shall try to call for medical help but it will take several hours to get here and your wife badly needs help." Pagkatapos ng isang oras na sinubukang gamutin ng Don ang babae. Napansin niyang wala nang pulso ito. Malungkot siyang pumunta sa lalake na nakatulog sa upuan. Nagulat din siya nang nakita niyang patay na rin ang lalaki sa kanyang mga natamong sugat. Napasigaw ito sa sama ng loob at malungkot na nagpunta sa kanyang silid at nagsimulang tumugtog ng piano na nagpapakalma sa kanya. Habang ang Don ay tumutugtog, napansin ng naiwang kuba na ang kamay ni Jenny Hill ay nagsisimulang gumalaw. Tiningnan niya rin ang lalaki at parang nagsimula na itong huminga ulit. Agad siyang tumakbo sa kanyang amo at pasigaw na pumasok "Master, Master, the Hills are alive with the sound of music!!" Isinalin at binago ni: Super Perez =============== What if heaven decides to kill all the CUTE people?..... BAHALA NA!!!.... Basta maski ano ang mangyari....Magtatago talaga ako!! +++ Sa Loob ng Comfort Room: BADING: Wow! ang laki naman niyan! BOY: Malaki nga pero wala namang silbi dahil split na kami ng girlfriend ko, paputol ko na lang kaya at ipakain sa aso!!! BADING: Aw!!Aw!!Aw!!!Arrff!!Arrff!! +++ GIRL1: Gusto kong asawa ENGINEER para ERECT ng ERECT. GIRL2: Ako ACCOUNTANT para ENTER ng ENTER. GIRL3: Ako DOCTOR para INJECT ng INJECT. GIRL4: Ako BISAYA...para MATIGAS ANG DILA!!!! Galing kay Loi Bacayon =============== {Mga patawa noong nakaraang eleksyon} ERAP's acceptance speech My countrymen, women and children and also in the city: The ballots and the penoys have ispoken. I have won by a landscape. I swept the polls hands up. And so...uh...I, Joseph Ejercito, a.k.a. Joseph Estrada, alias Erap, am honorable to accept...er...the position of your President of the ah...Republic of the Philippines. As your President, I'll never promise you a rose garden. But I swear, on my word of Aunor, to serve the people as good as it gets. There is no truth to the humor that I am just a puppet...see? no strings attached! how can I be a puppet?...of Danding Cojuangco. But I have 30 advisers to...uh...help me clean out the country. And as former Senator Enrile suggested, I will add 10 more advisers so that you can also call me Ali-Baba. I don't know what that means but it sound good. I will continue the economic program of FVR for Philippines 2000 years from now. So that...uh...everybody, young and old, richer and...uh... poorer, better or worse will have the-ah chance to take advantage of me while I am your President. Because that is my slogan. Erap, Para Mahirap! I thanks God for making me the 13th president, even though Cardinal Sin did not like me because I am more sinful than him. And I thanks all my fans for their confident in my cuppabilities and intelligent. I know you are taking a big gamble by voting for me but that's okay. I like gambling. There is always a chance. And...uh...to those who do not like me and plan to oppose me, remember: Isang Bala Ka Lang. I thanks you and congratulations to me. +++ ERAP & THE COMELEC In a last ditch attempt to disqualify Erap from being President, the administration has accused Erap of having "such a low IQ" that would not allow him to perform the functions of a President. After much debate between the LAMMP party and the administration, it was decided that Comelec would ask Erap (l0) basic questions and all Erap needed was just to get one question right. It was also agreed that the questions could be asked in Tagalog or Tag-lish, so Erap would suffer no disadvantage from his lack of English. After further negotiations, Comelec also agreed that Ronnie Poe, Edong Angara and Reli German could give clues to Erap. Below are the results of the question-and-answer session between Erap, his advisors and the Comelec. l) Comelec: Anong hayop sa dagat ang may walong tentacles? Reli: Ang pangalan niya ay nagsisimula sa letrang "O-C-T-O" Erap: October? Comelec: Hindi. Edong: Erap, "walo" ang "tentacles" nito! Erap: Octo-walo? Comelec: Hindi pa rin. Ronnie: Erap, ang hayop na ito ay malambot ang katawan. Erap: Ah, Octoart dancer! Comelec: Hindi pa rin. Reli: Last clue. Nagtatapos sa "S" ang pangalan. Erap: Octoarts dancers! Comelec: Sorry! Hindi pa rin! Next question... 2) Comelec: What is the national tree of the Philippines? (Narra) Reli: It starts with the letter "N" Erap: Alam ko 'yan...niyog. Comelec: Hindi. Ronnie: Erap, mas malakas pa diyan!!! Erap: (In his strongest-sounding voice)...NIYOG! Comelec: Sorry! Next question... 3) Comelec: OK, History naman...Saan binaril si Jose Rizal? Edong: Erap, it starts with letter "B" (Bagumbayan) Erap: OK, OK...sa kanyang "Back" Comelec: Hindi. Ronnie, Edong, Reli and the Comelec enter in quiet discussion. Reli: O, Erap, puwede rin daw ang letter "L" (Luneta) Erap: 'yon pala...sa Likod! Erap's three advisors and the Comelec confer again...afterwards... Ronnie: O, Erap, last clue daw. Puwede rin "R.P." (Rizal Park) Erap: Tenks, Ronnie...kuha ko na! Sa kanyang "Rear Part"! Comelec: Sorry. Next question... 4) Comelec: Saan pumupunta ang tao pag-summer upang maligo? Ronnie: Erap, starts with letter "B"! Erap: Siyempre...Banyo! Comelec: Sorry. Edong: Remember..."pag-summer" Reli: E'tong clue...maararawan ka diyan! Ronnie: Last clue, Erap...maraming naka-bikini diyan! Erap: Sana, sinabi mo pa 'yan kanina!....BEERHOUSE! Comelec: Sorry, next question... 5) Comelec: What is the national bird of the Philippines? (Maya) Edong: Starts with the letter "M" Erap: Manok??? Comelec: Sorry. Reli: Erap, "brown" ang kulay nito! Erap: Piniritong manok? Comelec: Sorry! Ronnie: Maliit na maliit ito, pero itsurang ibon pa rin!!! Erap: Maggie Chicken Cube? Comelec: Sorry. Next question... 6) Comelec: What is the country's national flower? (Sampaguita) Edong: Starts with the letter "S" and grows in the sun! Erap: Sunflower??? Comelec: Hindi. Ronnie: Erap, binebenta ito sa kalye! Erap: Stork? Reli: Bulaklak, sabi eh... Erap: Ah, sitsarong bulaklak! Ronnie: Isa pang clue! Ends with the letter "A" Erap: Sitsarong bulaklak na may suka? Comelec: Sorry! Reli: Last clue! Kapangalan ito ang isang sikat na singer! Remember, Erap, starts with "S" and ends with "A"!!! Erap: Sharon Cuneta! Comelec: Sorry. Next question... 7) Comelec: Ano ang tawag sa taong sumasagip sa nalulunod? (Lifeguard) Edong: Isipan mo, Erap - may "buhay" sa Ingles ang sagot nito! Erap: Ah...Lifebuoy! Comelec: Sorry! Reli: O, Erap...isipin mo...may "bantay" sa Ingles! Erap: Safeguard? Comelec: Sorry. Ronnie: Malapit na, Erap! Pagsamahin mo na lang ang sagot mo! Erap: Safeboy? Comelec: Sorry...last clue. Ronnie: Hindi siya "boy" at maskulado ang katawan niya! Erap: 'Yon pala! ....Mr. Clean! 8) Comelec: Sino ang kauna-unahang chess grandmaster of Asia? Edong: Ang kapangalan niya ang isang tao sa chess (Eugene Torre) Erap: Carole King? Comelec: Sorry. Reli: Mas mababa sa King. Erap: Al Quinn? Comelec: Sorry. Ronnie: Tagalog ang apelyido niya. Erap: Armida Siguion-Reyna? Comelec: Try again. Edong: Mas mababa sa reyna. Erap: Bishop Bacani? Comelec: Sorry. Reli: Mas mababa pa sa bishop. Erap: Johnny Midnight? Comelec: Sorry. Last chance. Ronnie: Erap, mas mababa pa sa knight! Erap: Kuha ko na! Jerry Pons! Comelec: Sorry! Last chance talaga! Reli: Erap, isipin mo! Ano ang piyesang hindi ba binanggit? Erap: Thinking...thinking...ah, 'yun pala...Sylvia La Torre! 9) Comelec: Oh, simple math na lang! Ano ang "2 + 2" ??? Erap: Three! Comelec: Sorry. Ronnie: Mataas pa diyan! Erap: (In his highest-pitched voice) Threeeeeeee!!! l0) Comelec: OK, last question na ito! You still need one correct! Sino ang national hero sa 500-peso bill? (Ninoy Aquino) Edong: First initial is "N" Reli: Second initial is "A" Erap: OK, I got it! Nora Aunor! Comelec: Sorry. Edong: Ang last letter ng palayaw niya ay "Y" Erap: Ah...Guy Aunor! Comelec: Sorry. Ronnie: Erap, dating senador ito! Erap: Si former Senator Guy Aunor? Comelec: Sorry. Reli: Erap, patay na siya!!! Erap: Ano? Patay na si Nora Aunor??? Galing kay Tajaj =============== Dagdag sa mga narinig sa GoBingo. Arnel: Kung ang Ubo ay sa bibig, ano naman ang sa ilong? Contestant: Vicks Arnel: Anong klaseng sapatos ang gamit ng mga basketbolista? Contestant: Adidas. Arnel: Saan sinusuot ang basketball jersey? Contestant: Sa paa Arnel: Anung Nationality ng sanggol na may amang Filipino Catholic at Protestanteng Ina? Contestant: American Arnel: Sa Snow White and the seven dwarfs, sinong duwende na laging masaya? Contestant: Duwende Arnel: Ilang duwende ang kaibigan ni Sleeping Beauty? Contestant: Seven dwarves. Arnel: Ano ang ginagamit ng mga Eskimo sa halikan? Contestant: Dila. Arnel: Ano ano ang nagpapaalat sa itlog na maalat? Contestant: Puti Arnel: Ilan ang paa ng pilay na pusa? Contestant: Tatlo. Arnel: True or False. Ang kanang gloves ay hindi puwedeng isuot sa kaliwang kamay? Contestant: False. Arnel: Anong tawag sa isdang hindi balisa? Contestant: Tuyo. Arnel: Hindi ito boob, hindi ito tube, pero tinatawag ng iba na boob tube. Ano ito? Contestant: Bra. Arnel: Anong letra sa Pilipino alphabet ang nasa gitna ng T at W? Contestant: U.V. Arnel: Ano sa Pilipino ang watermelon? Contestant: Melon Arnel: Ano ang ingay ng tandang? Contestant: Kokkak. Arnel: Anong bukol ang makikita sa leeg ng mga lalaki? Contestant: Kissmark. Arnel: Ano ang tumutulo kapag napasarap ang tulog? Contestant: Laway Arnel: Ano sa Tagalog ang asul? Contestant: Blue Arnel: May dalawang baboy sa kulungan. Tumalon ang isa.Ilan ang paa ng isang baboy? Contestant: Dalawa pa rin Arnel: Kumpletuhin ang linya ng awit, "To dream, the impossible dream ______________"? Contestant: To flight the unbeatable foe... Arnel: Anong malambot na bahagi sa ulo ng sanggol? Contestant: Batok Dagdag ni Hazel Flores Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa __ ||__\ http://www.bayani.com || \\ ||__// Para magpalista, pumunta sa website ||__< o lumiham sa sulat@bayani.com || \\ ||__// Huwag sana tanggalin ito upang ||__/ makapagpalista rin ang ibang tao Inyong lingkod, Super Perez Tagapamahala http://www.bayani.com http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com http://www.bayani.com/kuta - Kuta ng mga Katipunero http://www.bayani.com/aklatan - Aklatan ng Bayani.com http://www.bayani.com/patawa - Patawang Pinoy http://www.bayani.com/card - Bayani.com Ecard http://www.philshopping.com - Tiangge sa Internet