Subject: Bayani.com Balita 82999
Date: 29 Aug 99 03:09:34 +-0800
From: "Bayani.com"<sulat@bayani.com>
To: "Super Perez"<super@bayani.com>

Kaibigang Super Perez,

Mabuhay!
Kung mayroon kayong nais makita, patawang nais ibahagi o
maging ano man pati na ang magbuhos kayo ng sama ng loob
:^), sumulat lamang sa sulat@bayani.com.

Nagpunta ako sa simbahan sa probinsiya ng Cavite noong
Miyerkules at puno ang simbahan.  Marami nga lang ang
umalis pagkatapos ng novena at hindi na nagsimba.  Sa
tingin ko ay medyo mali ito pero hindi ako nasa lugar para
maghusga.  Marami pa rin ang nandoon.  Nakatutuwang isipin
na pagkatapos magtrabaho buong araw sa mga opisina at
factory, may panahon sila upang magpasalamat sa Diyos.
Naisip ko tuloy yung panahon na nagsimba ako sa Greenhills
na malapit sa mga bahay ng mga mayayaman.  Maluwang ang
simbahan dahil kokonti ang tao.  Naitanong ko tuloy kung
totoo ba na nagtutungo lang sa simbahan kapag may kailangan
at kung nasa kanila na ang lahat ay nakakalimot?

May mga bagong patawa sa website.  Ang ilan ay nandito at
ang ilan ay nasa autoresponder na makukuha ninyo pag
nagpadala kayo ng email sa bastos@bayani.com.  Salamat sa
mga nagpadala ng mga patawa!  Nakatutuwang ako naman ang
tumatawa at nakakatanggap ng email.

May mga bago ring ecards sa Bayani.com Ecards.

Eto na ang mga patawa.

===============

Ano Raw?

ano ang sinabi ni 0 kay 8? - bakit ka naka belt?
ano ang sinabi ni 6 kay 9? - tabi tayo.
ano ang sinabi ni 0 kay Q? - bastos mo, mag-brief ka nga!
ano ang sinabi ni 3 kay 1? bakit wala kang boobs?

ano ang hayop na hindi sigurado? - baka
ano ang hayop na pinuputol? - cat
ano naman ang na-uuntog? - dog
ano naman ang laging ayos? - ox
eh ano naman ang hayop na pangit? - cow

Q: Bakit shy ang pig?
A: Kasi nanay niya baboy.
Q: Bakit shy ang chick?
A: Kasi nanay niyang manok may itlog ang tatay niya wala.
Q: Bakit naman shy ang toes?
A: Kasi foot ang ina niya.

(extra) dad, why did you name me Conrado Domingo?
          now my friends call me condom.

         Galing sa email na ipinadala ni: Ayan Hazelle L.
Flores

===============

Execution

Tumira ulit si Saddam sa isang lugar na mayroong
Global convention. May nahuli ang mga sundalo niya
na isang taga-Prances, isang Hapon at si Erap.
Dahil nga nagtagumpay si Saddam sa pagsugod na
ito, sinabi niya sa kanyang sundalo na bahala na
silang magpakasaya sa pagpatay sa mga bihag.
Nagsisigawang nagpunta ng pihitan ang mga
sundalo.

Sundalo: Bibigyan namin kayong tatlong paraan kung
paano kayo mamamatay. Guillotine, limang kalabit sa
Russian Roulette o sasaksakan namin kayo ng HIV
virus na sobrang tapang. Mamili na kayo.

Taga-Prances: I want to die quick and no games.
Give me the guillotine! Viva la France!

Pinugutan siya ng ulo!

Hapon: I want to take my chance in Russian
Roulette!Banzai!

Patay siya sa unang kalabit!

Erap: Give me a minute in the bathroom and when I
come back, I want the Virus!

After 1 minute

Erap: (Smiling from ear to ear) SIGE!!! Saksak mo
diyan sa braso kooo!!!!

Sinaksak sa Braso

Erap: (Laughing) SIGE PA!!! Saksak mo diyan sa
kabila!!!!.... Eto pa ang puwet ko, saksak mo diyan! ...
Eto pang kabilang pinsngi!!!

Pagkatapos ng mga labing dalawang saksak. Natakot
na ang mga sundalo ni Saddam at pinawalan si Erap.

Erap: (While running away) Bwahahaha!!!! Kala nila
kaya nila ako. Hahahah!!! Walang talab ang Aids sa akin,
NAG-CONDOM AKO!!!

             Galing sa email na ipinadala ni: Boy Kindat

===============
Eto ang pagkakaiba ng Mayaman at Mahirap

Kung mayaman ka, meron kang allergy";
kung mahirap ka, ang tawag dyan ay "galis".

Sa mahirap, "sira ang ulo";
sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension".

Sa mayamang "malikot ang kamay" ang tawag ay
"kleptomaniac";
sa mahirap, ang tawag dito ay "magnanakaw".

Pag mayaman ka, you’re "eccentric";
kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo".

Kung mahirap ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay
"nalipasan ng gutom";
kung mayaman ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw
ay may "migraine".

Kung mahirap ka, ikaw ay "kuba",
pero kung mayaman ka, you are referred to as
someone who is "scoliotic".

Kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o
"negrita",
pero ang señorita mo kahit kasingkulay mo, ang
tawag ay "morena" o "kayumanggi".

Kung nasa high society ka, you are approvingly called
"slender" or "balingkitan";
kung mahirap ka lang, you are plainly called "payatot"
o "patpatin" o "tisika" (kung masyado kang payat).

Kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay maliit,
ang tawag sa iyo ay "petite";
kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot" o
"unano".

Kung mahirap ka at date ka rito, date ka doon, ang
tawag sa iyo ay "nagwawala";
kung well-off kayo, ikaw ay "game".

"Malandi" ka kung isa kang dukhang alembong;
pero kung mayaman kayo, ang tawag sa iyo ay
"liberated".

Ang mahirap na tumatanda ay "gumugurang";
sa mayamang tumatanda, the description is "he or
she graduates gracefully into senior citizenhood".

Ang anak ng mayaman ay "slow learner’;
ang equivalent na anak ng mahirap ay "bobo" o
"pangod".

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter
your host who says "masarap kang kumain, and I like
you, you do justice to my cooking";
kung ghastly peasant ka eating the same amount in
the same house, your host will say to himself or
herself na ikaw ay "patay-gutom" o "hampaslupa!"

             Galing sa email na ipinadala ni: Bryan Broas
Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa

  __
||__\   http://www.bayani.com
||  \\
||__//  Para magpalista, pumunta sa website
||__<     o lumiham sa sulat@bayani.com
||  \\
||__//  Huwag sana tanggalin ito upang
||__/     makapagpalista rin ang ibang tao

                      Inyong lingkod,
                      Super Perez
                      Tagapamahala
                      http://www.bayani.com

http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://www.bayani.com/kuta - Kuta ng mga Katipunero
http://www.bayani.com/aklatan - Aklatan ng Bayani.com
http://www.bayani.com/patawa - Patawang Pinoy
http://www.bayani.com/card - Bayani.com Ecard
http://www.philshopping.com - Tiangge sa Internet