Subject: Bayani.com Balita 82599
Date: 24 Aug 99 23:41:58 +-0800
From: "Bayani.com"<sulat@bayani.com>
To: "Super Perez"<super@bayani.com>

Kaibigang Super Perez,

Mabuhay!
Kung mayroon kayong nais makita, patawang nais ibahagi o
maging ano man pati na ang magbuhos kayo ng sama ng loob
:^), sumulat lamang sa sulat@bayani.com.

Ako po ay nahihiya sa nailabas na joke na hindi ko napansin
na makakasakit ng damdamin ng ating mga kaibigang itim ang
balat.  May mga sumulat sa akin tungkol dito at dahil doon,
sisiguraduhin ko pong hindi ito maulit at inayos ko po ang
nasa website.  Sana huwag po makita ng mga kapatid nating
itim ang nakaraang isyu para hindi sila magalit.  Paumanhin
po.

Para sa mga may gusto ng medyo bastos na jokes, sumulat
lang sa bastos@bayani.com.  Autoresponder po ito at ang
babalik sa inyong sulat ay ang mga bastos na patawa.
Kinailangang gawin ito sapagkat may mga ayaw tumanggap ng
bastos at ang mga may gusto naman ay hindi nakakabisita sa
website.  Para lahat masaya, ito po ang naisip kong
solusyon.  Nais ko rin pong sabihin sa inyo na ang ibang
mga patawa ay hindi matatagpuan dito sa email kundi sa
website lamang dahil po hindi lahat katawatawa at minsan,
ito ay napakahaba gaya ng hotline to erap at Erap Bio
Sketch.

Mas mabilis na po ang Ating bahay kubo sa internet.
Nilipat namin ito para mas maganda ang inyong pagbisita.

Kung kayo po ay nagsusulat sa Pilipino o di kaya ay may mga
artikulong tungkol sa Pilipino at Pilipinas.  Ipadala niyo
naman sa amin para mailagay namin sa website.

Sana mapatawa kayo ng mga bagong padala sa amin.
===============

Mga galing sa text messages (pinadala ni Tin Dizon,
Louanne, Nene)

anong gagawin mo sa isang taong unconscious?

titigan mo para ma-conscious....

+++++

Eraps secretary handed him his cell phone and said: "sir
may voice mail ho kayo."
Erap: Siyempre! Lalaki ako eh!

+++++

Kuba: Tinutukso nila akong kuba, mag-aaral na lang
ako ng karate!

(1 month later)

Friend: Magaling ka na ba mag-karate? Tinutukso ka
pa ba nila na kuba?
Kuba: Hindi na. Ninja Turtle na lang.

+++++

Pari: Sister, Halika dito sa kuwarto!
Sister: My Goodness!
Pari: Sara mo yung pinto at patayin mo yung ilaw!
Sister: Santa Maria!
Pari: Tabi ka dito sa akin.
Sister: Nako po!
Pari: Tingnan mo itong relo ko o. Glow in the dark!

===============

Gusto niyong kumita ng US$.50 bawat oras na nasa internet
kayo?  Pumunta lang sa
http://alladvantage.com/go.asp?refid=CNI-597 at sumali.
Hindi to patawa.
            -Super

===============

While in a State Visit to Washington DC.
Bill Clinton : You know, we Americans hate you
Filipinos going TNT in our country. Sorry if I'm frank.
Erap (Shocked) : It's okay, I thought you were Bill!!

++++++++++++

EASYCALL OPTR: "Sender's name please."
SENDER: "Erap Estrada."
EASYCALL OPTR: "Message please."
SENDER: "Jinggoy, this is Papa. Nasa akin ang
beeper mo."

++++++++++++

One day, Erap notices people were signing up for a
free seminar about the WWW.

Erap says: "It's really nice to see so many people
interested in history. But, there should be another
seminar where our country was more involved."
His bodyguard says: "What do you mean, sir?"
Erap explains, "I mean there should also be a seminar
about WWT! Not only World War Wan, but also World
War Two."

++++++++++++

Erap to Malacanang hardinero : I thought I told you to
water the plants?
Hardinero : Yes, you did sir, but it is raining hard right
now, sir.
Erap (MAD) : that's no excuse, I know we supplied
you with raincoats!

++++++++++++

While taking a shower at home and calling for Loi.
Erap : Bakit walang shampoo dito?
Loi : Anong wala, kabibili ko lang kanina ng shampoo,
eh.
Erap : Eh, puro For Dry Hair lang ang meron, basa na
ang buhok ko! !

++++++++++++

In a science class. Classmate : Bakit yung airplane
pag umiikot and elisi, uma-angat sa lupa? Bakit yung
bentilador kahit umiikot, nasa mesa pa din?
Erap : Tanga ka pala eh! Kasi yung bentilador may
kurdon, pinipigilan yon!!

Ang mga ito ay galing sa mga email na ipinadala nina:
Dennis Gerard Manalastas, Carol Tongco, Bryan Broas, Roy
Concepcion, Fiel L. Durante, Pabs Mendoza

=================

Dalawang gabi nang napapasin ni Amo na ang
kanyang repridyireytor (Refrigerator) ay laging
naka-off pag gabi, kaya kinabukasan galit na galit na
kinausap ni Amo si Katulong.

Amo: Lasmi (pangalan ng katulong), bakit dalawang
gabi ko nang napapansin na naka-off ang ating
pridyider? Hindi mo ba alam na masisira ang mga
karne at isda sa priser.

Lasmi: Eh, Ma'am, kasi ayokong hong uminom ng
malamig na tubig sa umaga.

    Galing sa email na ipinadala ni: PT. INTERMATRIX
KONSULTINDO

=================
Frat of Husbands

UHAW - Union of Husbands Afraid of Wives.

YAKUZA - Yuko sa Asawa

SANSUI - Sang Sutsot, Uwi

UTIN - Unyon ng mga Tatay na Inaapi ng nga Nanay.

            Galing sa email na ipinadala ni: Oliver
Aliwalas
            Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa

  __
||__\   http://www.bayani.com
||  \\
||__//  Para magpalista, pumunta sa website
||__<     o lumiham sa sulat@bayani.com
||  \\
||__//  Huwag sana tanggalin ito upang
||__/     makapagpalista rin ang ibang tao

                      Inyong lingkod,
                      Super Perez
                      Tagapamahala
                      http://www.bayani.com

http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://www.bayani.com/kuta - Kuta ng mga Katipunero
http://www.bayani.com/aklatan - Aklatan ng Bayani.com
http://www.bayani.com/patawa - Patawang Pinoy
http://www.philshopping.com - Tiangge sa Internet