Subject: Bayani.com Balita 81899 Date: 18 Aug 99 03:47:19 +-0800 From: "Bayani.com"<sulat@bayani.com> To: "Kaibigang Super Perez"<super@bayani.com> Kaibigang Super Perez, Mabuhay! Kung mayroon kayong nais makita, patawang nais ibahagi o maging ano man pati na ang magbuhos kayo ng sama ng loob :^), sumulat lamang sa sulat@bayani.com. Sabi ng kaibigan ko e wala namang nagbabasa ng mga sinusulat ko at dumideretso lahat sa mga patawa sa ibaba. Dahil dito, ilalagay ko ang unang bugtong (hmm.. puwedeng kuwarto ito sa Bayani.com a) sa unahan. Ang hindi nagbabasa, talo. Kung baga sa magasin, collectors edition ito. Sandata kong tulisan, tuwid at may katigasan, kapag inipit at kinaskas, sariwang katas ay lalabas. Nasa huli ang sagot para naman mag-isip kayong mga nagsisipag na bumasa ng mga hirit ko. Dahan-dahan lang sa mga papasok sa isip ha? Galing yan sa Globe Text ni Abi Rodriguez. Kung mayroon kayong ibang bugtong, sumulat lang sa akin o di kaya itext sa 9050841 (sama niyo po ang pangalan niyo ha?). Nais ko pong ihiling sa inyo na ipagdasal ang magiging rally sa biyernes, Agosto 20. Sana walang gulo. Oo nga pala, ikinagalak kong malaman na nabanggit ang Bayani.com sa July/August na isyu ng The Web magazine. Binigyan pa ng rating na 4/5. Maraming salamat sa mga gumagawa ng The Web at sa inyong mga tumulong na mapansin nila ang ating bahay kubo sa internet. Salamat din kay Carol Alamo na nagsabi sa akin tungkol dito. Tuloy ang saya, heto na ang patawa. =============== Sa isang ospital, nag-usap ang doktor at pasyente. Ganito ang kanilang usapan...... Dok: Mr. Pangan (pasyente), narito ang balita para sa iyo, kaya lang isang pangit at isang magandang balita! Pasyente: Dok, unahin mo ng sabihin yung pangit na balita at saka na yung magandang balita. Dok: Ang pangit na balita eh, dahil nga sa masama ang lagay ng buto mo sa kaliwang hita, kaya pinutol na namin ang kaliwang legs mo. Pero ligtas ka naman kahit paano. Pasyente: Eh yung magandang balita naman Dok! Dok: Ang magandang balita, eh nung mag-check kaming muli at masuri ang lagay mo, hindi ka naman dapat palang putulan! Galing sa email na ipinadala ni: Philip C. Faustino ++++++++++++++++++ GLOBE TEXT JOKES Nun: Mother Superior, I've just been raped twice! MS: Calm down and eat this lemon. Nun: Will this help me calm down? MS: Hindi! para yan maalis ang ngiti sa mukha mo! What is "Hoy, Mama! Bawal yan!" in English? E di "Hey, Mister! That's a donot" Anong hayop ang di sigurado? Baka Hayop na putol? Cat Hayup na mahal? Deer Hayup na ayos? Ox Ano naman ang hayup na pangit? E di cow! Alam mo me nabasa ako sa dyaryo na me nakukuha raw cancer sa cellphone. Kaya tumigil na ako... Tumigil na akong magbasa ng dyaryo. Read this slowly: Fog must done knew see who one, tea knee gas sun! The hill see in die who bad. Bull ball knee in die money peace Q: How is your Y2K conversion going? Erap: It's crazy! I cant imagine going to work from Mondak to Fridak and spend saturdak and sundak with the kids. Why do they have to convert Y to K anyway? Galing sa Text na ipinadala nina: Nene, Stevie, Marilyn V., Mabel D., at Abi R. Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa __ ||__\ http://www.bayani.com || \\ ||__// Para magpalista, pumunta sa website ||__< o lumiham sa sulat@bayani.com || \\ ||__// Huwag sana tanggalin ito upang ||__/ makapagpalista rin ang ibang tao Inyong lingkod, Super Perez Tagapamahala http://www.bayani.com http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com http://www.bayani.com/kuta - Kuta ng mga Katipunero http://www.bayani.com/aklatan - Aklatan ng Bayani.com http://www.bayani.com/patawa - Patawang Pinoy http://www.philshopping.com - Tiangge sa Internet Sagot sa bugtong: ballpen (anong akala niyo ha? :^)