Subject: [bayani]Patawa
Date: Sat, 13 Mar 1999 10:23:50 +0800
From: "Bayani.com" <sulat@bayani.com>
To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com>

Mga Ginoo at Binibini,

Mabuhay!
Sa mga bagong sali, salamat at sana magustuhan ninyo ang aming mga
pakulo.  Kung may naisip kayong nais ninyong makita, sumulat lamang
kayo sa sulat@bayani.com at susubukan naming gawin iyon.

Paumanhin po sa hindi namin pagpadala ng ibang patawa.  May mga
pagsusulit po ang inyong lingkod at wala pong mga dumating na
magandang mga patawa.  Mayroong pong ibinigay sa amin ang ibang kasapi
sa listahan pero sabi po nila na huwag daw ipadala sa balitaan
sapagkat hindi raw masyadong nakakatawa at sayang lang raw.  Inilagay
na lamang namin ang mga ito sa http://www.bayani.com/patawa.

Ang patawang nasa ibaba ay isang orihinal na gawa ni Ginoong Willie
Asuncion.  Ginawa pa nga po niya kami ng isang espesyal na hirit
tungkol sa Bayani.  Tuwang tuwa po ang lahat dito.  Kung kayo rin ay
may mga nagawa, ipadala lamang po ninyo sa amin.

Eto na po ang pinadala ni Ginoong Willie.

======================
NAMES IN A SENTENCE

(Ang aming paborito. Salamat Willie!)
BAYANI
Still undecided which car to buy? If I were you, I would BAYANIssan.

ANTHONY
Ano? hanggang ngayon ay di pa niya alam ANTHONY niyang ama?

ARIEL
Baldomero, is it true that the movie Titanic is ARIEL story?

BARBARA
Huwag mong itapon sa lababo ang tira mo, kung hindi BARBARA yan.

CASINO
Pare, natanggal sa trabaho si Igmeng panay ang sigarilyo, CASINO
smoking sa office nila.

DARIO
OO Baste, at kung hindi ka naniniwala sa akin, basahin mo na lang sa
DARIO.

DES
Wow!! ang ganda ng bago mong computer, nasaan ang computer DES?

GARCIA
Nahuli siyang may kodigo, kasi ang katabi niya e binulGARCIA.

GAWIN
Erika, hindi ka naman maganda, bakit ka liGAWIN?

JOEL
Ang ganda ng napanood ko, si Clint Eastwood napatay sa JOEL.

JOEY
Hoy, bayaran mo na ang utang mo, ang JOEY kahapon pa.

KIKO
Lagot !#%@, hindi tayo makakapasok sa bahay, ang KIKO ay nawawala.

LESSIE
Puede ho bang makausap si Tolome?,,, Sorry waLESSIE Tolome sa bahay.

LUCERO
Kids, magsoot kayo ng makapal ngayon, kasi mag-bibiLUCERO daw mamaya.

MEDINA
Hoy, kanina dumating ang mga pulis, MEDINAmpot silang magnanakaw.

NINFA
Hindi pa ba luto ang kanin? gutom na ko,--Sandali lang at iniiNINFA
po.

NOEL
Bakit ang spelling mo ng Manila ay "Mania", NOEL?

RICKY
Hindi bale, basta kung maaRICKY pareng Willy na tayo matulog. (mabait
yon)

ROSALES
Pambihira ka, hindi mo sinasabi sa akin, si ROSALESbian pala.

THERESA
Basta umuwi ka nang maaga, at gusto ko alas THERESA bahay ka na.

TIZON
Panay ang practice mo ng Tennis pare ko ah, kailan ba ang compeTIZON.

VIC
Wow!!!, hindi mo na kami pinapansin, bakit VIC time ka na ba?

VIVIAN
Pancrasio!, kung ayaw nilang magsoot ng makapal bahala sila, VIVIAN
mo.

 Isang Orihinal na katha ni Ginoong Willie Asuncion.
 Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa

      \\ | //
       (o o)            http://www.Bayani.com
---oOOo-(_)-oOOo--------------------------------

Para sumali, magpadala lamang ng sulat sa sulat@bayani.com o pumunta
sa website. Mas marami pang mga patawa sa http://www.bayani.com/patawa

Sana ay huwag tanggalin ang mga sulat na ito pag-ipapadala sa kaibigan
para makasali rin sila.

                      Inyong lingkod,
                      Super Perez
                      Tagapamahala
                      http://www.bayani.com

http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://www.bayani.com/kuta - Kuta ng mga Katipunero
http://www.bayani.com/aklatan - Aklatan ng Bayani.com
http://www.bayani.com/patawa - Patawang Pinoy
http://www.philshopping.com - Tiangge sa Internet