Subject: <Bayani.com> Balita 81599
Date: 15 Aug 99 13:52:19 +-0800
From: "Bayani.com"<sulat@bayani.com>
To: "Kaibigang Super Perez"<super@bayani.com>

Kaibigang Super Perez,

Mabuhay!
Kung mayroon kayong nais makita, patawang nais ibahagi o maging ano
man pati na ang magbuhos kayo ng sama ng loob :^), sumulat lamang sa
sulat@bayani.com.

May kuwento ako.  Kung ayaw niyo ng kuwento, bumaba ng kaunti para sa
mga patawa.  Noong martes,   pupunta sana ako ng Cavite kaya lang,
nagkamali akong umalis ng alas sais.  Sobrang malubha ang daloy ng
trapiko.  Nagpasikot sikot ako at nang mapadpad ako sa may Burgos St.
(yata) sa Manila, napansin ko ang Pambansang Museo (National Museum)
sa gawing kaliwa.  Habang nagaantay na gumalaw ang sangkatutak na
trak, minabuti ko na lang na lumiko at pumasok.  Wala masyadong tao
sa lobby. May mga ilang kabataang namamasyal.  Matagal na akong hindi
nakapunta doon kaya laking gulat ko nang makita kong napakaganda ng
lugar.  Malamig at tahimik.  Sa lobby pa lang ay masasabi kong may
binabatbat ito kung ihahambing sa ibang mga museo sa Europa.  Naaliw
ako sapagkat may mga "interactive computer presentations" at marami
pang iba.  Ninais ko tuloy na may anak ako para maipakita ito.  Sa
madaling sabi, kung wala kayong pera pero gusto ninyong maglamyerda,
magpunta lang sa National Museum.  Libre na may matututunan ka pa
tungkol sa bayan.  Sana dumami pa ang kanilang mga maipapakita dahil
medyo konti pero sulit pa rin ang biyahe.

Isang pahabol, huwag kayong mahiya na subukan yung isang makinang may
kamera at nagpapakita ng ibat-ibang mga katutubong instrumento ng
bayan.  Kung marami kayo, sobrang kayong maaaliw dito.

O sige eto na ang mga patawa.

Isa pang pahabol, kung walang pangalan pagkatapos ng "Kaibingang .."
sa pambungad, ibig sabihin ay hindi ninyo naibigay ang kahit na
palayaw ninyo.  Susubukan naming ayusin ito sa pamamagitan ng
paglagay ng email address na lang sa susunod.

===============

  SUKI

   Unang pagpapatingin ni Pam sa duktor,
kaya nagpasama siya sa kaibigan:

PAM:  Ang daming tao dito sa klinika.
   Mahusay siguro ang doktor pero tiyak
   na mahal ang bayad.

PATRICIA:  Ang unang pagpapatingin ay
   P100, pero pagkatapos ay P50 na lang
   bawat punta sa kanya.

Nang tawagin ng doktor si PAM...

PAM:  Dok, kumusta ho?  Eh, heto na naman
   ho ako.

Ipinadala ni Maria Cristina Falls

              ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

May tula na ipinadala sina Mary Jane P. Tadili at Marlon C. Magtira.
Sana mabasa ninyo sa http://www.bayani.com/kuta.  Ang pangalan po ay
Hinagpis ng Lupa.

              ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
            RETURN TO SENDER

     Hindi niya akalain na mangyayari sa
kanya iyon.  Wala pang tatlong buwan
silang magkatipan ng kanyang nobya na
nasa Maynila at doon nagtatrabaho ay
pinalitan na siya.

     Isang araw, nakatanggap siya ng sulat
mula sa kanyang nobya.  Tapos na raw ang
lahat sa kanila at binabawi na nito ang
litrato na ibinigay sa kanya.  Sinabi rin
nitong ipadala ang litrato sa madaling
panahon by return mail.  Binigyan pa siya
ng selyo.

     Nag-isip ng mabuti ang lalaki kung ano
ang kanyang gagawin sa masakit na kapalarang
sinapit mula sa nobya.  Nanghiram siya ng
litrato ng iba't-ibang babae mula sa mga
kaibigan, inilagay ito sa kahon at sinamahan
ng isang sulat na nagsasabing:  "Hindi ko
matandaan ang itsura mo.  Piliin mo na lang
sa mga litratong nandito kung sino ka.  Paki-
balik na lamang ang iba."

Ipinadala ni Maria Cristina Falls

***************************

May mga litrato ng mga taga ibang bansa na naghahanap ng kapenpal sa
http://philshopping.com/oneandonly. Bisita kayo!  Libre!

***************************

ENGLISH = TAGALOG
  1.DATA ENTRY = Date muna bago pasok
  2.ADJUSTING ENTRY = Hinanap muna bago
     pinasok
  3.DEBIT ENTRY = Pinasok
  4.CREDIT ENTRY = Hinugot
  5.WRONG ENTRY = Napasok sa puwit
  6.ACCOUNTING ENTRY = Pagbilang ng pasok
  7.OFFSETTING ENTRY =
     Pasok-Hugot-Pasok-Hugot
  8.CLOSING ENTRY = Panghuling pasok
  9.BALANCING ENTRY = Babae and nasa
     ibabaw
 10.BALANCE SHEET = Kumot/o sapin para sa
     Balancing Entry
 11.MONTH END CLOSING = Meron
 12.LOSS = Nilabasan ang lalaki
 13.PROFIT = Napunta sa babae
 14.INTEREST = Nabuo
 15.INTEREST EARNED NOT COLLECTED =
     Nabuo pero di pa nanganganak
 16.TRIAL BALANCE = Sa ibabaw and babae pero
     di pa pinapasok
 17.BALANCE FORWARDED = Sa ibabaw and
     babae pero pinasok na
 18.CLOSING BALANCE = Sinara na ang zipper
 19.ZERO BALANCE = Malambot na
 20.LIQUIDATION = Gumamit ng pampadulas
 21.BANKRUPTCY = Ayaw nang labasan
 22.CONSOLIDATION = Sabay nilabasan

Ipinadala ni: Tab Ogsden

*************************

Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa

  __
||__\   http://www.bayani.com
||  \\
||__//  Para magpalista, pumunta sa website
||__<     o lumiham sa sulat@bayani.com
||  \\
||__//  Huwag sana tanggalin ito upang
||__/     makapagpalista rin ang ibang tao

                      Inyong lingkod,
                      Super Perez
                      Tagapamahala
                      http://www.bayani.com

http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://www.bayani.com/kuta - Kuta ng mga Katipunero
http://www.bayani.com/aklatan - Aklatan ng Bayani.com
http://www.bayani.com/patawa - Patawang Pinoy
http://www.philshopping.com - Tiangge sa Internet