Subject: [Bayani.com]Balita 8399
Date: Tue, 03 Aug 1999 15:09:25 +0800
From: "Bayani.com" <sulat@bayani.com>
To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com>

Mga Binibini at Ginoo,

Mabuhay!

Unang una, sana ay ipagpaumanhin ninyo ang "popup ad" na
lumilitaw sa Bayani.com.  Hindi po ako nakapagipon para
mabayaran ang "webhosting fee" ngayong buwan.  May nilalakad
ako ngayon upang matuloy ang pagbili ko ng isang server sa
Estados unidos para mailagay ang bayani.com doon pati na ang
ibang magiging customer sa itinatayo kong webhosting
service.  Bibilis ang bayani.com kapag nailagay ko na doon.

Salamat sa mga sumali pa rin sa listahan ng Bayani.com kahit
na medyo naghihirap (parang ang dating e nakikiramay sa
kalagayan ng bansang Pilipinas e no?) Kung may naisip kayong
nais ninyong makita, sumulat lamang kayo sa sulat@bayani.com
at susubukan naming gawin iyon.

May mga bago kaming tula na galing kay kaibigang Tra Aibar.
Matatagpuan ito sa http://www.bayani.com/kuta.  Sana ay
mabisita ninyo.

Ang kaibigan nating si Alaric Yanos ay humingi sa amin ng
tulong.  Kailangan daw niya ng mga "quotes" galing sa mga
kilalang Pilipino.  Dahil dito, gumawa kami ng pahina.
Matatagpuan ito sa Kuta (http://www.bayani.com/kuta).
Pindutin ang MGA SIPI.  Unti-unti naming pupunuin ito.  Sana
ay makapagdagdag din kayo ng inyo (pindutin lang ang "ito"
sa pahina).

Mga katoto, hanggang dito na lang muna.  Eto ang mga patawa
na sana ay magustuhan ninyo.
===============
(mga idadagdag sa Mga totoong lugar sa Manila:)

Kuwentong Butsukoy - A barber shop at Makro-Imus
Saplot Hanep sa Kulubot - A denim shop
Lunas Sikmura - A carinderia along Avenida Rizal
Jollymel - A burger stand in Bacoor, Cavite
Jollibeer - A beerhouse in Manila
Going Straight - A hair straightening center at SM
Straightforward - Another hair straightening center at Ever
Gotesco
Bill's Gate - An internet cafe along University Belt

Ipinadala ni:  Maria Cristina Falls

========================

Pinoy Signs
A grafitti inside the cubicle of a ladies' C.R. in a
university - Please don't sit like a

frog, Sit like a queen.
A note on a newspaper stand - HUWAG BULATLATIN KUNG HINDI
BIBILI!
A huge billboard along Aguinaldo Hi-way, Bacoor, Cavite
says:
                CATRINA,  WILL YOU MARRY ME?  I am single
and available.  Pager
                No. #########

At a men's comfort room, above a urinal - "Hawak mo ang
kinabukasan ng bayan"
On a Jeepney - "Hudas not pay"
On a truck - "Kung nababasa mo to, pag-nautot ako maaamoy
mo"
On a car - "My boss is a jewish carpenter"
On a PLDT street sign - "Slow Men at work"
At a street repair site without workers - "Your taxes is
working for you"

Ipinadala ni:  Maria Cristina Falls
Dinagdagan ni: Super Perez
(Kung nais magdagdag ng inyong mga nakita, ipadala lamang sa
sulat@bayani.com)

Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa

      \\ | //
       (o o)            http://www.Bayani.com
---oOOo-(_)-oOOo--------------------------------

Para sumali, magpadala lamang ng sulat sa sulat@bayani.com o
pumunta sa website. Mas marami pang mga patawa sa
http://www.bayani.com/patawa
Sana ay huwag tanggalin ang mga sulat na ito pag-ipapadala
sa kaibigan para makasali rin sila.

                      Inyong lingkod,
                      Super Perez
                      Tagapamahala
                      http://www.bayani.com

http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://www.bayani.com/kuta - Kuta ng mga Katipunero
http://www.bayani.com/aklatan - Aklatan ng Bayani.com
http://www.bayani.com/patawa - Patawang Pinoy
http://www.philshopping.com - Tiangge sa Internet