Subject: [Bayani.com]Patawa 62599
Date: Thu, 24 Jun 1999 23:43:20 +0800
From: "Bayani.com" <sulat@bayani.com>
To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com>

Mga Binibini at Ginoo,

Mabuhay!

Nais ko pong magpaumanhin kay Ginoong Willy Asuncion.  Ginawa po niya
itong aking ipinapadala ngayon sa inyo subalit hindi ko naalalang
ipadala hanggang ngayon.

Konting patalastas po. Kung nais ninyong magkaroon ng website na para
sa inyong sarili, pamilya o negosyo.  Sana po ay huwag niyo po kaming
kalimutan.  Gumagawa na po kami at nag-ho"host" ng websites.  Mura
lang po.  Kung kayo o ang kaibigan ninyo ay interesado, naway magpunta
lamang sa http://www.philshopping.com/webworks.

Eto na po ang patawa ni Ginoong Asuncion.

===============
MGA BAYANI IN A SENTENCE

ANDRES Bonifacio
Anak: Daddy, puede na ba itong soot ko para sa
party?
Daddy: Mukhang napakaiksi yata, pipituhan ka kapag
ganyan ANDRES mo.

ANTONIO Baltazar
Pare 1: Pare, palagay ko mas mabuti kung huwag na
tayong magsigawan dito.
Pare 2: Bakit, nag-iiba na ba ANTONIO ng boses ko?

Apolinario MABINI
Anak: Mukhang kulang ng piso ang binigay sa aking
sukli noong mama.
Mommy: Mommy, bakit mali na naman ang bigay sa
iyo?, MABINIlang mo ba?

CORY AQUINO
Tanong: Sa Singapore mo ba nakuha ito?
Sagot: Hindi, sa CORY AQUINOha iyan.

DIEGO Silang
Karerista 1: Ang tagal namang magumpisa ng karera
ng kabayo.
Karerista 2: Ayan na pare, maguumpisa na, "There
DIEGOooooo!!!"

EMILIO Jacinto
Mare 1: Sobra naman ang mamahal ng mga alahas
mo mare.
Mare 2: Siyempre, EMILIOnaryo ba naman ang asawa
eh.

Jose PROTACIO Rizal
Tanong: Ang kamatis ba ay gulay o hindi?
Sagot: Hindi, kasi sabi nila PROTACIOn.

JUAN LUNA
Mare 1: Mare ang anak ko ay pitong taon na pero mas
matangkad pa rin ang anak mo.
Mare 2: Kasi mas matanda siya ng isang taon, sa
Septiembre 8 siya ay JUAN LUNA.

LAKANDULA
Anak: Nanay, nadapa na naman po ako.
Nanay: Sinabi nang huwag tatakbo pagtawid e,
talagang waLAKANDULA.

MARCELO H. Del Pilar
Susie: Bakit ayaw mo na akong dumikit sa iyo ng
malapit?
Max: Kasi baka MARCELO si misis ko eh.

MARIA Clara
Kuya: Basta ang gusto ko umalis tayo nang maaga at
gusto ko babalik tayo agad.
Ate: Iyan ang hirap sa iyo eh, pinipilit mo ito, pinipilit
mo iyon, uMARIA ka na naman.

NINOY AQUINO
Jun: Marilen, papaano ngatain ng Lola mo ang
nganga?
Marilen: Simple lang, NINOY AQUINOha sa bibig at
tinapon.

QUIRICADA
Aida: Ano tingin mo? mapipili kaya ako ni Mayor na
maging sekretarya niya?
Precy: Para matipuhan ka ni Mayor kailangan
QUIRICADAhil mahilig yan sa chicks.

Ramon MAGSAYSAY
Bobby: Bakit ayaw mong ihanda ko agad ang mga
pagkain sa party?
Cely: Kasi MAGSAYSAYawan daw muna tayo bago
kumain.

Theodore ROOSEVELT
Tanong: Ang ganda raw ng binili mong kotse, ano ito
four door ba?
Sagot: Hindi THEODORE.

Thomas JEFFERSON
Tourist: Are you the one in charge here?
Waiter: No sir, I believe that guy in the red jacket is
JEFFERSON you're looking for.

            Ginawa at ipinadala ni: Wilfredo Asuncion
            Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa

      \\ | //
       (o o)            http://www.Bayani.com
---oOOo-(_)-oOOo--------------------------------

Para sumali, magpadala lamang ng sulat sa sulat@bayani.com o pumunta
sa website. Mas marami pang mga patawa sa http://www.bayani.com/patawa

Sana ay huwag tanggalin ang mga sulat na ito pag-ipapadala sa kaibigan
para makasali rin sila.

                      Inyong lingkod,
                      Super Perez
                      Tagapamahala
                      http://www.bayani.com

http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://www.bayani.com/kuta - Kuta ng mga Katipunero
http://www.bayani.com/aklatan - Aklatan ng Bayani.com
http://www.bayani.com/patawa - Patawang Pinoy
http://www.philshopping.com - Tiangge sa Internet

Pahuli:  Hindi po kami nagpapadala sa mga hindi nagpalista sa amin o
hindi inimbita ng kanilang kaibigan.  Kung kayo po ay napadalhan at
ayaw po ninyo, sumulat lamang po sa amin at agad naming tatanggalin
ang pangalan ninyo. :^)