Subject: [bayani.com]Patawa 62299 Date: Tue, 22 Jun 1999 10:39:24 +0800 From: Super Perez <super@fiestaislands.com> To: See_Bayani_com <SeeMySite@Bayani.com> Mga Binibini at Ginoo, Mabuhay! Sa mga bagong sali, salamat at sana magustuhan ninyo ang aming mga pakulo. Kung may naisip kayong nais ninyong makita, sumulat lamang kayo sa sulat@bayani.com at susubukan naming gawin iyon. Ingat kayo lahat. Sana ay magkaisa na ang lahat ng Pilipino. Tanggalin na ang mga pag-iisip na hindi mo kabayan ang iba dahil hindi sila galing sa inyong probinsiya. Iyan "daw" ang isang dahilan kung bakit nahihirapan magkaboses ang mga Pilipino sa ibang bansa lalong lalo na sa Estados Unidos. Mga kapatid, sana mapasaya namin ang inyong araw sa mga patawang susunod. Buti pa ang Pilipino, tinatawanan lang ang mga patawang gaya ng nasa ibaba. Kung ibang lahi ito, sangkatutak na "flame-mail" ang babalik. =============== Isang araw na naglilinis ang katulong nang bigla na lang na nag-ring ang telepono. Amo: Paki sagot nga Inday ang telepono? Katulong: Yis sir Katulong: Hello - hello - hello (walang marinig na boses kasi baligtad ang hawak sa receiver) Amo: (napansin ng amo na baligtad): BALIGTARIN MO Katulong: LLO - HE - LLO-HE - LLO- HE Amo: (galit na galit na) : Hindi yan, ang ibig kong sabihin na baligtarin mo yung TELEPHONE... Katulong: PHONE-TELE , PHONE-TELE , PHONE-TELE... --------------------- Bagong salta sa America yung Pinoy ay gustong mag-long distance sa Pilipinas kaya dinayal yung "0 for Operator". Operator: AT&T. How may I help you? Pinoy: Heyloow. Ay wud like to long distans da Pilipins, plis. Operator: Name of the party you're calling? Pinoy: Aybegyurpardon? Can you repit agen plis? Operator: What is the name of the person you are calling? Pinoy: Ah, yes, tenkyu and sori. Da name of my calling is Elpidio Abanquel. Sori and tenkyu. Operator: Please spell out the name of the person you're calling phonetically. Pinoy: Yes, tenkyu. What is foneticali? Operator: Please spell out the letters comprising the name a letter at a time and citing a word for each letter. Pinoy: Ah, yes, tenkyu. Da name of Elpidio Abanquel is Elpidio Abanquel. I will spell his name foneticali. Elpidio: E as in Elpidio, L as in lpidio, p as in pidio, i as in idio, d as in dio, i as in io and o as in o. Operator: Sir, can you please use English words. Pinoy: Ah, yes, tenkyu. Abanquel: A as in Airport, B as in Because, A as in Airport agen, N as in... Enemy, Q as in...Cuba, U as in... Europe, E as in... Important and L as in...Elephant. Pinadala ni Rezza Custodio at Peachy Reyes Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa \\ | // (o o) http://www.Bayani.com ---oOOo-(_)-oOOo-------------------------------- Para sumali, magpadala lamang ng sulat sa sulat@bayani.com o pumunta sa website. Mas marami pang mga patawa sa http://www.bayani.com/patawa Sana ay huwag tanggalin ang mga sulat na ito pag-ipapadala sa kaibigan para makasali rin sila. Inyong lingkod, Super Perez Tagapamahala http://www.bayani.com http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com http://www.bayani.com/kuta - Kuta ng mga Katipunero http://www.bayani.com/aklatan - Aklatan ng Bayani.com http://www.bayani.com/patawa - Patawang Pinoy http://www.philshopping.com - Tiangge sa Internet