Subject: [Bayani.com]Patawa 61899
Date: Fri, 18 Jun 1999 13:49:27 +0800
From: "Bayani.com" <sulat@bayani.com>
To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com>

Mga Binibini at Ginoo,

Mabuhay!
Sa mga bagong sali, salamat at sana magustuhan ninyo ang aming mga
pakulo.  Kung may naisip kayong nais ninyong makita, sumulat lamang
kayo sa sulat@bayani.com at susubukan naming gawin iyon.

Kaarawan ng Tatay ko kaya medyo minadali ito.  Salamat sa mga bumisita
sa Balitaan.

Eto na ang inyong pinakahihintay.

===============
Q: Bakit shy ang pig?
A: Kasi baboy ang nanay n'ya.

Q: Bakit shy ang chick?
A: Kasi may itlog ang nanay n'ya, ang tatay n'ya wala.

Q: Bakit naman shy ang toes?
A: Kasi 'foot ang ina niya'.

Q: Anon'g tawag sa maliit na cat?
A; Catiting

Q: Sa maliit na duck?
A: Pan-duck

Q: Sa maliit na goat?
A: Kapirangoat

Q: Eh sa maliit na dick?
A: Butiti

             Galing sa email na ipinadala ni: Hazel Flores

--------Dagdag---------

Lahing Sira
Bago ikasal si Nena, tinawag siya ng kanyang Nanay
at pinagbilinan.

Inay: Nena, ang maipapayo ko lang sa iyo ay huwag
kang magpapakita sa iyong asawa na hubot-hubad.
Kailangan ay may suot ka lagi.

Nena: Opo, Nanay. Hindi ko po kakalimutan.

Pagkaraan ng ilang araw...

Asawa: Nena Swithart, may lahi ba kayong may sira
sa ulo?

Nena: Wala naman, Dear, bakit mo naitanong?

Asawa: Naitanong ko dahil sa buong linggong
nagsasama na tayo e lagi mong suot yang sombrero
sa kama.

        Galing sa email na ipinadala ni: Boy Kindat
        Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa

      \\ | //
       (o o)            http://www.Bayani.com
---oOOo-(_)-oOOo--------------------------------

Para sumali, magpadala lamang ng sulat sa sulat@bayani.com o pumunta
sa website. Mas marami pang mga patawa sa http://www.bayani.com/patawa

Sana ay huwag tanggalin ang mga sulat na ito pag-ipapadala sa kaibigan
para makasali rin sila.

                      Inyong lingkod,
                      Super Perez
                      Tagapamahala
                      http://www.bayani.com

http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://www.bayani.com/kuta - Kuta ng mga Katipunero
http://www.bayani.com/aklatan - Aklatan ng Bayani.com
http://www.bayani.com/patawa - Patawang Pinoy
http://www.philshopping.com - Tiangge sa Internet