Subject: [bayani]Patawa
Date: Mon, 01 Mar 1999 17:26:41 +0800
From: "Bayani.com" <sulat@bayani.com>
To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com>

Mga Binibini at Ginoo,

Mabuhay!
Sa mga bagong sali, salamat at sana magustuhan ninyo ang aming mga
pakulo.  Kung may naisip kayong nais ninyong makita, sumulat lang kayo
at susubukan naming gawin iyon.
Wala akong masabi ngayon.  Parang piniga ang utak ko sa isang
pagsusulit na pinagdaanan ko kanina.  Tatlong oras, limang pahinang
answer sheet, Labing pitong pahinang mga tanong.  Sa mga magulang na
nagnanais na maging duktor ang kanilang mga anak, pagisipan niyo muna.
Parang awa niyo na :^) (Pero kung gusto naman nila, gaya ko,
suportahan niyo na lang ng mabuti)

Eto na ang bagong patawa namin.  Sana ay magustuhan ninyo.

MASUNURING LOLA
=================

May isang pampasaherong bus na biyaheng probinsiya ang
hinarang ng mga masasamang loob sa isang liblib na lugar.
Nang makuha na lahat ang mga alahas at pera ng mga
pasahero, nagsalita ang isa sa mga mandarambong.

"Tumayo at bumaba ang lahat ng mga babae at rereypin
namin."

Umiiyak na nagmamakaawa ang isang batang lalaki sa mga
tulisan. "Maawa na po kayo sa amin. Huwag niyo na po
isama ang Lola ko. Matanda na po siya."

Biglang tinabig ng kanyang Lola ang apo na may sabay na
kurot sa tagiliran. "Lintek kang bata ka. Huwag kang
makialam. Hindi mo ba narinig ang utos ni Mamang Lider.
Pag sinabi niyang lahat .... LAHAT!"

              Galing sa email na ipinadala ni: "Mojako"
===============
Para sumali, magpadala lamang ng sulat sa sulat@bayani.com o pumunta
sa website. Mas marami pang mga patawa sa http://www.bayani.com/patawa
Sana ay huwag tanggalin ang mga sulat na ito pag-ipapadala sa kaibigan
para makasali rin sila.

Inyong lingkod,
Super Perez
http://www.bayani.com

http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://www.bayani.com/kuta - Kuta ng mga Katipunero
http://www.bayani.com/aklatan - Aklatan ng Bayani.com
http://www.philshopping.com - Tiangge sa Internet