Subject: [Bayani] Kuwentuhan Date: Tue, 05 Jan 1999 20:39:29 +0800 From: "Bayani.com" <sulat@bayani.com> To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com> Mabuhay! Sa mga bagong salta sa listahang ito, salamat sa pagsali. Lubos kaming natutuwa sa dami ng bagong sumali sa listahan ng Bayani.com. Marami kaming bagong idinagdag at binago. Bumisita muli sa http://www.bayani.com. Sa mga nagtataka na mayroon dumating na sulat galing sa e-groups.com, ay sana huwag ninyong balewalain. Isinali namin kayo sa grupo ng Bayani.com sa e-groups upang makapagpalitan tayo ng mga kuro-kuro at ideya. Magpadala lamang ng sulat sa bayani@egroups.com at lahat ng nasa grupo ay makatatanggap ng inyong sulat at makakasagot dito. Isang paraan upang makabuo tayo ng isang komunidad para sa ikabubuti ng bayan. Huwag niyo ring kalimutan ang Balitaan sa Bayani (http://www.bayani.com/balitaan) kung saan maari kayong maglagay ng mga paksa na maaring pag-usapan. Hindi na nga pala lingguhan ang Bayani Kuwentuhan. Pero huwag mag-alala, gagawa pa rin kami paminsan-minsan. Magpadala lamang ng kahit na anong komentaryo o artikulo na maaring ilagay sa Bayani.com. Lubos niyo kaming matutulungan dito. Hanggang dito muna mga kaibigan. Pagpalain kayo ng Diyos. Inyong lingkod, Super Perez Tagapamahala ng Bayani.com Dagdag: Sana ay maibalita ninyo sa inyong mga kaibigan ang Bayani.com upang lalong lumago ang ating grupo. Mas maraming ideya, mas masaya. ================================= Philshopping.com Your One-Stop-Online-Shop. We have tons of stuff for you. From food to computers and from sexy lingerie to a site where you can find a reason to wear them. See you at http://www.philshopping.com =================================