Subject: [Bayani.com]Balitang Bayan Date: Sun, 07 Feb 1999 01:06:21 +0800 From: Super Perez <super@fiestaislands.com> To: SeeMySite <SeeMySite@PerezOptical.com> Mabuhay! Sa mga bagong sali sa ating samahan, lubos kaming nagagalak na makasama kayo. Parami ng parami na ang mga kasali subalit marami pang lugar para sa inyong mga kaibigan at kamag-anak. Sana maimbitahan ninyo sila. (Papaano? Basahin ang pinakababa ng liham.) Natutuwa kaming ilahad sa inyo na mayroon pong nagbigay sa amin ng kaunting pera kaya po nawala na ang isa sa mga "banner" sa mga pahina ng Bayani.com. Bibilis na po ngayon ang pag-bisita ninyo sa ating "Bahay kubo sa Internet." Kung bibili po kayo online, sana po ay sa aming bilihan na kayo pumunta para mas maganda pa ang makuha naming serbisyo para sa inyo. Unti-unti po naming dadagdagan ang mga nasa Patawang Pinoy at may ilalagay na po kaming bagong Pinoy Trivia (ipagpaumanhin po sana ang salitang Trivia sapagkat hindi pa kami nakakaisip ng mas magandang titulo para sa kuwartong ito). Ang Patawang Pinoy rin po ay binago upang mas mabilis ninyo makita ang mga pahina. May mga nagpadala na ng sangkatutak na pinoy jokes kaya mas mapapadalas ang aming pagdadagdag sa Patawa. May natagpuan kaming isang lugar na maari kang makahanap ng ka-penpal o kaibigan (o ka-ibigan :^) na galing sa ibat-ibang bansa. Libre! Pumunta lamang sa http://www.philshopping.com/oneandonly. Ang aklatan po ay bukas na sa tulong ng mga taga amazon. Pumunta lamang sa http://www.bayani.com/aklatan. Dito na muna magtatapos ang liham na ito. Kailangang buohin ko pa ang Trivia. Nakapatay na kahapon ang ating gobiyerno. Ipagdasal na lamang natin ang kaluluwa niya. Kung may masasabi kayo tungkol dito, maaring ilagay sa Balitaan para mabasa namin. Sana hindi nagkamali ang Hustisya. Hanggang sa muli, ito po si Super Perez, ang inyong lingkod na tagapamahala ng Bayani.com, na nagsasabing: "Ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan ay walang paroroonan. Ang hindi marunong tumingin sa paroroonan ay nadadapa." \\ | // (o o) http://www.Bayani.com ------------oOOo-(_)-oOOo---------------------------------------------- copyright 1999 ng Bayani.com Para magpalista, magpadala ng sulat sa magpapalista@bayani.com. Kung nais ninyong mag-imbita ng kaibigan para magpalista, iforward lamang ito o sulatan kami sa kaibigan@bayani.com. Salamat po!