Subject: [Balitang Bayani]New Jokes
Date: Sun, 14 Feb 1999 20:53:01 +0800
From: "Bayani.com" <sulat@bayani.com>
To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com>

Mga Ginang at Ginoo!

Mabuhay!
Kahit na sangkatutak ang ginagawa namin, nagbigay pa rin kami ng oras
para sa ating mga kababayan.  May sumulat sa amin na tuwang tuwa dahil
ang kaniyang mga magulang ay nalululong na sa kompyuter dahil daw sa
ating mga patawa sa Kubo.  May idinagdag kami sa Patawang Pinoy.  Sana
ay magustuhan ninyo.  Makapaglalagay kami siguro ng isang bago bawat
araw o sumunod na araw.  Balik balikan ninyo ha?
Oo nga pala,  humihingi sana kami ng dalawang minuto ng inyong oras.
Sana po ay makapunta kayo sa http://www.utrade.com/index.htm?MID=49857
para mag-rehistro.  Libre ito.  Walang walang babayaran.  Kailangan
lamang namin ng mga magpapalista dito dahil may promo sila.  Sana po
ay matulungan ninyo kami dito dahil malapit nang mag-bayaran muli ng
hosting at InterNIC :^)
Hanggang dito lang po muli.  Babalik na po ako sa aking pag-aaral. May
eksamen pa po ang inyong lingkod.

Inyong kabayan,
Super Perez
www.Bayani.com