Subject: [bayani]Balita/Patawa Date: Sun, 21 Feb 1999 10:19:52 +0800 From: "Bayani.com" <sulat@bayani.com> To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com> Mga Binibini at Ginoo, Mabuhay! Sa mga bagong sali sa ating grupo, malugod namin kayong tinatanggap at natutuwa kaming makasama kayo. Parami na ng parami ang kasali sa ating listahan pero mayroon pa ring maraming puwang para sa inyong mga kaibigan at kamaganak. Kung nais ninyong mang-imbita, may nagawa kaming mas madaling paraan para sa inyo sa ating Bahay kubo. Tingnan lamang ang kaliwa sa unang pahina o puwede ring ipadala sa amin ang pangalan at e-mail address at kami ang mag-iimbita para sa inyo. Naisipan namin na ipadala sa inyo ang mga ibang patawa na inilagay namin sa Patawang pinoy. Marami sa inyo ay hindi nakakabisita dahil walang oras at para na rin mapadalhan namin kayo ng mga balita. Ang una ay nasa ibaba. Konting tulong lang po. May promo po yung isa naming sinalihan, ang utrade. Isa po siyang auction site. Kung maaari po, pumunta lamang kayo sa http://www.philshopping.com/sign1.htm at magpalista para po mabigyan kami ng "credit." Libre po ito at walang kailangang bilhin o ibang gawin. Makakatulong po sa amin ito. Eto na ang patawa. Sana ay magustuhan ninyo. Ang Kabayo ========= Isang probinsiyano ang nagpunta sa Manila para magpatingin sa Psychiatrist tungkol sa kanyang sakit. EMIL: Ang problema ko ho, Doc, ay tungkol sa pagkakaroon ko ng takot sa pagmamaneho. Nagsimula ho ito nang mamatay ang misis ko nang ang kotse niya ay bumundol sa trak. DOC: At simula noon ay natakot ka nang gamitin ang kotse mo sa pagpasok sa opisina? EMIL: Hindi ho ako nag-uupisina, Dok. Mayroon ho akong maliit na grocery sa bahay. DOC: E para saan yung kotse? EMIL: Sa pamimili ko ho ng mga paninda gaya ng mga de lata, bigas at iba pa. DOC: Ganoon ba? Pwes, lutas na ang problema mo! Kaya mo bang bumili ng Kabayo? EMIL: Aba, oho! Mura lang ang kabayo sa probinsya namin! DOC: Pwes, sa pamamagitan ng kabayo, hindi ka na magmamaneho ng kotse pag mamimili ka sa palengke! EMIL: Sige ho! Susubukan ko nga. (pagkaraan ng isang linggo) DOC: Ano iho, kamusta? Bakit malungkot ka? Sininod mo ba yung sinabi ko? AMBO: Oho, Dok! Limang kabayo na ho yung nabili ko pero lahat ho sila ay hindi marunong magmaneho. Galing daw sa Jingle. Para sumali, magpadala lamang ng sulat sa sulat@bayani.com o pumunta sa website. Mas marami pang mga patawa sa http://www.bayani.com/patawa Sana ay huwag tanggalin ang mga sulat na ito pag-ipapadala sa kaibigan para makasali rin sila. Inyong lingkod, Super Perez http://www.bayani.com http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com http://www.bayani.com/kuta - Kuta ng mga Katipunero http://www.bayani.com/aklatan - Aklatan ng Bayani.com http://www.philshopping.com - Tiangge sa Internet