Subject: [Bayani]Balitang Bayan
Date: Wed, 24 Feb 1999 22:50:36 +0800
From: Super Perez <super@fiestaislands.com>
To: See_Bayani_com <SeeMySite@Bayani.com>

Mga Binibini at Ginoo,

Mabuhay!
May naisipan kaming bagong ilagay sa Bayani.com.  Alam niyo naman na
maraming mga kuwento ang ating lahi tungkol sa mga halimaw at mga
gumagala sa dilim.  Nakahanap kami ng mga taong maraming kuwento
tungkol dito.  Dahil sa marami sa ating mga bagong sali ay nasa ibang
bansa, sisikapin naming mapaalalahanan sila tungkol sa mga kuwentong
ito.  Tingnan natin kung talo ang mga ghost stories ng mga Amerikano
sa Tate.

Kung mayroon kayong mga naaalalang kuwento o patawa, padala niyo lang
at idadagdag namin ito sa Ating Bahay Kubo sa Internet.

Salamat sa mga nagpunta sa http://www.philshopping.com/sign1.htm at
nagpalista.  Malaking tulong po sa amin ang inyong nagawa kahit na
hindi kayo interesado sa Utrade auction.  O di ba?  Libre sabi yon e.

Eto na ang bagong patawa namin.  Sana ay magustuhan ninyo.

SLEEP DRIVER
============
SIOWY: Naku, Timi, malas ko talaga sa napili kong asawa.

TIMI: Bakit naman?

SIOWY: Gabi-gabi, tuwing matutulog na kami ay nag-aasal na parang
nagmamaneho sa aming kama. Parang nasisiraan ng ulo. Hindi tuloy ako
makatulog.

TIMI: Bakit naman hindi ka makatulog?

SIOWY: E, baka mabangga kami e.

--> Hindi alam ang may akda.

ERAP ON THE ROAD
================
Tumigil ang kotse ni Erap sa kalsada.
ERAP:  Driver!  Bakit ka tumigil?!
DRIVER: E, boss, sira ho yata yung signal light natin e.
ERAP:  Teka bababa ako at tingnan natin.
        Sige, paandarin mo nga.
DRIVER: Eto na ho.
ERAP: O ayos naman a.  Ay, hindi.  Ay ayos na.  Ay hindi.....

Para sumali, magpadala lamang ng sulat sa sulat@bayani.com o pumunta
sa website. Mas marami pang mga patawa sa http://www.bayani.com/patawa
Sana ay huwag tanggalin ang mga sulat na ito pag-ipapadala sa kaibigan
para makasali rin sila.

Inyong lingkod,
Super Perez
http://www.bayani.com

http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://www.bayani.com/kuta - Kuta ng mga Katipunero
http://www.bayani.com/aklatan - Aklatan ng Bayani.com
http://www.philshopping.com - Tiangge sa Internet