Subject: bastos #15 Date: Tue, 22 Aug 2000 22:47:43 +0800 From: Super Perez <super@bayani.com> To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com> GANOON NA NGA PO EH. Sa Restaurant. Bugoy: Waiter, pahingi nga ng tubig na mainit muna at konting asin mumumog ko lang masakit lalamunan ko eh. Waiter : Sir eto na po ( and hinlalaking daliri ng waiter ay nakasawsaw sa tubig na hawak niya, nakita ni Bugoy pero di na bale, mainit naman ang tubig patay microbio din siguro) Bugoy: ( matapos mag mumog ) Waiter bigyan mo ako ng Kape. Waiter: eto na po sir. ( nakita na naman ni bugoy na nakasawsaw na naman ang hinlalaking daliri nito, pero di bale mainit naman ang tubig ng kape, patay microbio naman siguro ). Bugoy: (Matapos ang inom ng kape at mainip) Waiter, bigyan mo nga ako ng Sabaw na mainit, pampagana bago ako umorder ng pagkain. Waiter: Eto na Po sir...( nakita na naman ni Bugoy na nakasawsaw na naman ang hinlalaking daliri nito sa sabaw, di bale, mainit naman ang sabaw at libre patay microbio din naman yon.) Bugoy: Waiter isang Lomi nga. Waiter: Eto na po sir. ( nakita na naman ni Bugoy na nakasawsaw na naman ang hinlalaking daliri nito sa Lomi at nagalit na po ito) Bugoy: Putang Ina mo. Sa tubig, Kape, Sabaw at dito sa Lomi nakasawsaw ang hinlalaki mo, kung pasmado yang daliri mo at kailangang mainitan eh bakit di mo na lang isaksak sa puwit mo hayop ka. Waiter: GANOON NA NGA PO ANG GINAGAWA KO HABANG NAGHIHINTAY NG ORDER NINYO. Galing kay Onnie Carlos ========================================================= Para tumanggap ng mga medyo bastos na patawa, sumulat sa pinoyjokes-subscribe@egroups.com Para sumali sa Bayani.com Balita mailing list na may ibang patawa, sumulat sa sulat@bayani.com o magpunta sa http://bayani.com http://web.ph - Pinoy portal at iba pa http://philshopping.com - Philippine Online Mall http://webworksco.com - Web design, hosting, domain registration and internet consultancy http://1ph.net - Uniting Online Philippines