|
|
|
UNANG PINOY OLYMPIAN Ang unang Filipino Olympian ay si David Nepomuceno. Siya mag-isa ang
bumuo ng Philippine Athletic Contingent noong 1924 sa Paris. Sumali
siya sa 100- at 200-meter track sprints pero hindi siya nakalagpas sa
heats.
UNANG PINAY OLYMPIAN Ang unang mga pinay olympians ay ang mga track runners na si Francisca
Sanopal at Manolita Cinco kasama ang mga swimmers na si Gertrudes Lozada
at Jocelyn von Giese sa 1956 Melbourne Olympics.
NAWALANG PINOY GOLDS Ang Pilipinas ay dapat nakatanggap ng kanilang unang dalawang Gintong
medalyon noong 1948 sa London kung hindi lang humirit si Kupido. Ang
Olympian na si Victoria Manalo ay may Pilipinong tatay at isang nanay na
taga Englatera. Siya ay pinanganak at pinalaki sa San Francisco.
Pinili pa rin niya ang maging Filipino. Sa edad na 16 anyos, nagustuhan
niya ang Diving .... pati na ang kanyang Amerikanong coach, si Lyle
Draves. Nagpakasal sila at nang umabot ang 1948 Olympics, siya ay
nakilahok bilang isang Amerikano. Nanalo siya sa Springboard at
Platform events. Si Victoria Manalo ang unang diver na nanalo ng
dalawang ginto sa isang Olympics.
Sinalin galing sa Pinoy Trivia
|