header image
Simula arrow Mga Bayani arrow Patawa arrow Lahing Sira
Lahing Sira PDF Print E-mail
Aug 28, 2009 at 08:20 AM

Bago ikasal si Nena, tinawag siya ng kanyang Nanay at pinagbilinan.

Inay: Nena, ang maipapayo ko lang sa iyo ay huwag kang magpapakita sa iyong asawa na hubot-hubad. Kailangan ay may suot ka lagi.

Nena: Opo, Nanay. Hindi ko po kakalimutan.

Pagkaraan ng ilang araw...

Asawa: Nena Swithart, may lahi ba kayong may sira sa ulo?

Nena: Wala naman, Dear, bakit mo naitanong?

Asawa: Naitanong ko dahil sa buong linggong nagsasama na tayo e lagi mong suot yang sombrero sa kama.


Galing sa email na ipinadala ni: Boy Kindat

Sumali sa Balitang Bayan