|
[Ang unang mga hirit ay pinadala kay Willy ng kanyang pinsan at pamangkin]
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay duling, Bumagyo ma't humangin, Sa 'yo pa rin nakatingin.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay mataba, Umulan ma't bumaha, Puwede mong gawing bangka.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay kirat, Kumulog ma't kumidlat, Palagi pa ring nakakindat.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay singkit, Maimbiyerna man o magalit, Kaniyang mata'y nakapikit.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay payat, Hindi halatang inaapi, Gutom man o puyat.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo'y kuripot, Kahit sa panahon ng krisis, Pera'y napapaikot.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Piliin mo ay tanga, Magunaw man ang mundo, Bale wala, naka-nganga.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Piliin mo ay matanda, Kailan man mamatay, Mana mo'y nakahanda.
I dont know who the creator is. Here is my version:
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay BULAG, Bumagyo ma't humangin, SIYA'Y NAKADILAT PA RIN.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay MAHINHIN, KAHIT SAAN MO KALABITIN SIGURADONG NAGLALAMBITIN.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay GUWAPO, KAHIT HINDI KA MAGANDA TAO'Y PINAGTITINGINAN KA.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay TSISMOSA, MAKATITIPID KA SA DIYARIO TV NEWS, AT BALITA.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay BIGOTILYO, KAHIT MARUMI ANG NGIPIN MO DI NA KAILANGAN NG SEPILYO.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay BLUE EYES, Maimbiyerna man o magalit, Kaniyang mata'y SIGURADONG IMPORTED.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay NEGRA, KAHIT DI KA PA INAANTOK IKAW'Y SIGURADONG MATUTUMBA.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay SI WILLIE, Hindi halatang inaapi, ASAHAN MONG SIYA'Y KAWILIWILI.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo'y GASTADOR, Kahit sa panahon ng krisis, Pera'y MARAMI SA APARADOR.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Piliin mo ay MATALINO, Magunaw man ang mundo, NAKATAAS PA RIN ANG NOO.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Piliin mo ay si WILLIE pa rin, NAPAGTIYATIYAGAAN MO ANG JOKES KAHIT NA ALAM MONG CORNY.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Piliin mo ay members ng BAYANI, MERON KA NANG ASAWA MERON KA PANG BAYANI.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Piliin mo ay BATA, Kailan man GUSTUHIN, SIYA AY LAGING nakahanda.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay MATABA, Umulan ma't bumaha, ANG WATERBED MO'Y LAGING HANDA.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo'y MAJONGERO, WALA MAN SIYANG EDUKASYON SIGURADONG SIYA'Y MAY AMBISYON.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay UTUTIN, KAHIT NA IKAW ANG UMUTOT TAO'Y sa KANYA paRIN NAKATINGIN.
Galing sa email na ipinadala ni: Willie Asuncion
|