Question: Ano ang ginagamit na floatation device sa dagat
upang hindi ka malunod? Clue: starts with the letter "S" - Go!!! (correct answer="salbabida") Beep! Contestant 1: (linalapit ang bibig sa mike) Sirena. host: Hindi! Hindi ito babae. Beep! Contestant 2: Siyokoy. host: Hinde!! Hinde ito Lalake! Beep! Contestant 3: Siyoke. Q: Anong hayop sa dagat ang may walong tentacles?
Clue: Ang pangalan niya ay nagsimula sa "Octo" (Octopus). A: October. Q: Hindi, walo nga ang tentacles nito. A: Octo-walo. Q: Hindi pa rin. Ang hayop na ito ay walang spine at
malambot ang katawan. A: Octoart Dancer. Q: Hindi, nagtatapos sa "s" ang pangalan nito. A: Octoarts Dancers. Q: Hindi pa rin. A: Octomechanix Q: What is the national fish of the Philippines?
Clue: Its name starts with the letter "b" (Bangus). A: Botete. Q: Hindi, may "s" sa dulo. A: botetes. Q: Ano ang national tree of the Philippines?
Clue: Nagsisimula ang pangalan niya sa letrang "N" (Narra). A: Niyog. Q: Mas matigas pa diyan. A: (In a strong-sounding voice) NIYOG! Q: Ano ang total ng 2 + 2? A: Three! Q: Hindi, mas mataas pa diyan. A: (In a high-pitched voice) Three! Q: Saan binaril si Dr Jose P. Rizal?
Clue: "B" ang simula (Bagumbayan) A: Sa back? Q: O sige, pwede rin na ang simula ay "L" (Luneta). A: Sa likod? Q: Hindi pa rin. Para mas madali, gamitin natin ang
kaniyang modern name -
"RP" (Rizal Park). A: Sa rear part Q: Saan tayo madalas pumunta pag summer upang maligo.
Clue: Nagsisimula sa letrang "B" (Beach). A: Banyo. Q: Hindi, pag pumunta ka doon, naaarawan ka. A: Bubong. Q: Hindi, pag nandoon ka na, marami kang makikita na
mga babaeng naka-bikini. A: beerhouse! Q: What is the National Bird of the Philippines?
Clue: Its name starts with the letter "M" (Maya). A: Manok! Q: Hindi, brown ang kulay nito. A: manok na pinirito. Q: Hindi, mas maliit pa diyan. A: Maggi chicken cube Q: What is the National Flower of the Philippines?
Clue: It starts with the letter "S" (Sampaguita). A: Sunflower. Q: Hindi, binibenta ito sa kalye. A: Stork. Q: Hindi, bulaklak sabi, eh. A: sitsarong bulaklak! Q: Hindi pa rin. Ang ending niya ay letrang "A". A: Sitsarong bulaklak na may suka! Q: O, para madali ha, uulitin ko ang clues at dagdagan
ko pa: pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa letrang "S",
nagtatapos sa letrang "A" at kapangalan ito ng
isang sikat na singer. A:Si Sharon Cuneta Q: Ano ang tawag ng tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay
nalulunod?
Clue: "L" ang simula ng pangalan niya (Lifeguard) A: Lifebuoy. Q: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ng
pangalan ng taong ito. A: Safeguard. Q: Hindi, pero makukuha mo ang pangalan nito pag
pinagsama mo ang mga dalawang sagot mo. A: Safe boy. Q: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang
katawan. A: Si Mr. Clean. Q: Sino ang National Hero na naka-picture sa 500-peso
bill?
Clue: Ang initials niya ay "N-A" (Ninoy Aquino) A: Nora Aunor. Q: Hindi, ang last letter ng kaniyang palayaw ay "Y". A: Guy Aunor? Q: Hindi, dati siyang naging Senador. A: The former Senator Nora Aunor. Q: Hindi, patay na siya! A: Patay na pala si Nora Aunor?!
Galing sa email na ipinadala ni: Roy Concepcion (binago ng bahagya para hindi makainsulto ng tao)
|