header image
Simula
Lumang Bayani.com
Mga Bayani
Mga Patawa
Mga Kuwento
Sumulat sa akin
Talaan (Guestbook)
Tungkol sa Bayani.com
Balita

Naayos na ang Talaan!

Nagahanap na ng paraan para hindi na marami ang mga pesteng spammers. Puwede na ulit kayo mag-iwan ng mga mensahe (magaganda lang ang matino ha) para sa amin.

 

Web.ph

Simula arrow Mga Patawa arrow Patawa arrow U.H.A.W.
U.H.A.W. PDF Print E-mail
Aug 26, 2009 at 06:59 AM

== UHAW (Union of Husbands Afraid of Wives) ==

When you say: "Ako ang tigas sa amin."
You really mean: "Ako ang tigas-saing ng kanin at tigas-sundo sa eskuwela ng mga bata."

When you say: "Gagawin ko kahit ayaw ng misis ko."
You really mean: "Gagawin kong maghugas ng pinggan kung ayaw niya, gagawin kong maglaba kung ayaw niya."

When you say: "Kapag ako napuno, magyayaya ako ng hiwalay!"
You really mean: "Hiwalay ang puti sa de-kolor at baka kumupas ang labada."

When you say: "Lahat ng utos ko ay pasigaw."
You really mean: "Hoy bilisan mo naman iyang kape at giniginaw na ako dito sa labahan!"

When you say: "Ako ang laging nasusunod!"
You really mean: "Oo, dear susunod na ako sa iyo sa simbahan."

When you say: "Nakukuha ko siya sa isang salita!"
You really mean: "Honey, huwag mo na akong batukan at masakit!"

When you say: "Inaabot siya sa akin ng mura!"
You really mean: "'Ling naman, mura lang naman yung sapatos na bibilhin ko!"

When you say: "Nakukuha ko siya sa isang tingin!"
You really mean: "Hon, patingin naman ng periodiko pagkatapos mong basahin."

When you say: "Kaya ko siyang paluhurin!"
You really mean: "Hinabol ako ng walis at nagtago ako sa ilalim ng kama namin. Paluhod niyang sinabing 'Hoy lumabas ka riyan at tatamaan ka sa akin!'"

When you say: "Hindi niya ako kayang paglabahin!"
You really mean: "Hindi puede kasi hindi pa ako tapos mamalantsa."

Galing sa email na ipindadala ni: Roy Concepcion. Hindi alam ang may akda.

Sumali sa Balitang Bayan