header image
Simula
Lumang Bayani.com
Mga Bayani
Mga Patawa
Mga Kuwento
Sumulat sa akin
Talaan (Guestbook)
Tungkol sa Bayani.com
Balita

Naayos na ang Talaan!

Nagahanap na ng paraan para hindi na marami ang mga pesteng spammers. Puwede na ulit kayo mag-iwan ng mga mensahe (magaganda lang ang matino ha) para sa amin.

Login Form
Username

Password

Remember me
Password Reminder

 

Web.ph

Simula arrow Kuwento arrow Ano ba ang Pinoy Action Movie?
Ano ba ang Pinoy Action Movie? PDF Print E-mail
Aug 23, 2009 at 07:46 AM

Laging umiikot ang istorya sa paghihiganti: Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak nya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno)

Isa sa mga eksena e babastusin sya o syota nya ng mga nag-iinumang istambay.

Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).

Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ang mga sugat nya ng isang babae.

Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.

Lagi itong may mga uto-utong tauhan o "mga bata".

Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking bahay.

Lagi ding may eksena sa isang beer house.

May seksing leading lady at may love scene na pwedeng ikwento sa Abante.

Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalake lang naman e kayang-kaya nitong patumbahin.

Kung ma-co-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang.

Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nag-tutukan ng baril ... mahabang pag-uusap, tila baga mag-syotang nasa telepono.

May malalakas na pagpapasabog kahit na hindi naman kailangan.

Walang malalakas na pagpapasabog kahit na kailangan.

Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala.

Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.

Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa siya nakakahawak nito sa buong buhay nya.

Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa, parang sayaw.

Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlompung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya.

Tamaan man sya ng bala ay laging daplis lang ... hindi pwedeng sa ulo o sa puso.

Siyam (9) ang buhay ng bida.

Doble pa nito ang buhay ng leading lady.

Kung mamamatay man ang isa sa kanila e makakapagsalita pa ito ng isang page ng script bago malagutan ng hininga.

Huli darating ang maraming pulis ... at wala silang pakialam sa bida, kahit na involved ito sa riot!

Atbp......................................

Galing sa email na ipindadala ni: Carol Tongco

Bilang ng Bisita
We have 44 guests online
Sumali sa Balitang Bayan