Category Archives: Uncategorized

Ano ba talaga?

Ang daming sinasabi ng mga taga gobyerno, sina noy noy at si mar, na may tulong na sa tacloban at mga karatig na mga probinsya. Marami rin ang nagsasabi na walang tulong ang dumadating. Yung mga ibang gamot ay nahohold sa air port. Siguro nga e mas dapat pakinggan yung mga tao at dayuhan dahil mahirap maniwala sa mga corrupt na tao. Sana e hindi paginteresan nina noynoy at mar yung mga donation.

Bagyong Yolanda

Limang araw na ang nakalipas matapos nagpamalas ng lagim ang Bagyong Yolanda na tinawag sa ibang bansa na Typhoon Haiyan. Kalilipat ko rin ng mga dati kong sinulat noong 2005. Ibang uri ng bagyo ang dumating sa bansa. Ito ang pinakamalakas na bagyo sa mundo sa kaalaman ng tao. Dahil nga ganoon ito, limang araw nang ipinapalabas sa CNN ang bansa lalo na ang tacloban at ang mga ibang bayan na dinaanan ng bagyo. Sa Maynila, hindi masyado malakas ang bagyo pero sa visayas, libo libo ang patay.

Kakaiba ang pagdagsa ng tulong para sa mga Pilipino. Salamat sa lahat ng taong tumulong at tumutulong.

Semana Santa 2007

Semana santa na po! Walang tao ngayon sa mga lansangan ng maynila. Hindi ko alam kung bakit maraming mga Pilipino ang nagbabakasyon ngayon sa panahong ito. Puno raw ng tao sa Boracay. Parang divisoria na daw po. Papunta na po ako sa Ateneo para magsimba.

May mga naayos po ako sa Bayani.com. Tatapusin ko po ang mga pagbabago bago matapos ang linggo. Sana po ay marami ang bumisita. Pero ang mas importante ay sana mas marami ang mga makaalala na sa Panahon ng Semana Santa, naghirap po ang Ating Panginoon para mailigtas po tayo sa kasalanan.

SONA 2005

Walang pasok sa Lunes. Bakit? Dahil may SONA (State of the Nation Address) si Presidente GMA. Sana e hindi na bakasyon dahil hindi naman nakatutuwa para sa mga negosyante ang laging may bakasyon. Dapat tama lang at hindi sobra.

Umulan na

Umulan nga! Salamat naman pero sandali lang kaya konti lang ang inilamig. Habang malamig, ginanahan akong mag-ayos kaya talagang maayos na ang Balitaan. Bisita naman kayo at makihalubilo. Kung nagugustuhan ninyo ang mga pagbabago na nagaganap sa ating Bahay Kubo sa Internet, sabihin niyo lang doon.

Bagyong Crising

May bagyo raw na darating! Salamat naman. Crising daw ang pangalan. Kahapon po ay umabot ng 94.7ºF. Ngayon, 91.2ºF o 32.9ºC. Sa gabi, mga 87-89ºF sa kuwarto kong walang air con. Kahapon daw ang isa sa araw na may pinakamataas na temperatura. 38.0ºC o 101ºF sa Tuguegarao City, Cagayan, 2:45 ng hapon.

Pampawid sa init pero sana wala namang mawalan ng buhay o mapinsala.

Simula

Ilang taon na po ang nakaraan nang nagsimula ang Bayani.com. Magsisimula ngayon ang “blog” na ito kung saan susubukan ko pong ilagay ang mga pangyayari sa Bayani.com pati na ang mga nagaganap dito sa Pilipinas. Abangan and susunod na kabanata :)